Facebook

Treasure hunter, patay nang ma-trap sa tunnel

GENERAL SANTOS CITY – Patuloy ang paghahanap sa mga otoridad sa isang treasure hunter na kasama sa biktima na nakita na lamang patay sa loob ng 70 meters na tunnel.

Sa ngayon, hawak na ng Malungon Municipal Police station si Rowena Madin, residente ng Sitio Inyam, Brgy. Upper Mainit, Malungon Sarangani Province.

Unang kinumpirma ni Fire Marshall Ramel Lacaba ng Bureau of Fire Protection (BFP) Malungon na namatay ang biktima na si Teodolo Cadelinia, 48 residente ng Barangay Fatima, General Santos City.

Nakatanggap nang tawag ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) na na-trap ang isang lalaki sa tunnel.

Pumasok ang biktima, 10:00 ng umaga sa “L” tunnel subali’t 2:00 na ng hapon hindi pa rin nakakalabas ang biktima.

Inamin ni Lacaba na pahirapan ang pagkuha ng bangkay dahil masyadong masikip ang tunnel matapos makita ang biktima na nakaupo sa ilalim ng tunnel.

Pagkatapos ng dalawang oras na rescue operations nakuha rin ang bangkay at dinala sa punerarya.

The post Treasure hunter, patay nang ma-trap sa tunnel appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Treasure hunter, patay nang ma-trap sa tunnel Treasure hunter, patay nang ma-trap sa tunnel Reviewed by misfitgympal on Setyembre 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.