Facebook

Dalagita ni-rape ng adik na stepdad

CAMARINES NORTE – Isang 56 anyos na lalaki ang inaresto ng mga tauhan ng San Lorenzo Ruiz MPS at ng 3rd Platoon ng CN 1st Provincial Mobile Force Company nang gahasain ang isang menor de edad sa bayan ng San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte, Martes ng hapon.

Kinilala ang suspek na si alyas “Omeng”, 56 anyos, isang manghihilot, kasalukuyang kinakasama ng ina ng biktimang si alyas “Nene”, 13 anyos at pawang residente ng nabanggit na lugar.

Nadakip ang suspek nang magsumbong sa pulisya ang biktima kasama ng kanyang ina tungkol sa ginawang panggagahasa ng amain.

Ayon sa salaysay, naganap ang pang-aabuso sa mismong tahanan nila 7:30 ng umaga nitong Setyembre 28, 2021 habang naghuhugas ng kanilang pinagkainan si “Nene”.

Agad namang tumugon sa sumbong ng biktima ang mga tauhan ng San Lorenzo Ruiz MPS at nagsagawa ng agarang operasyon upang madakip ang nasabing suspek.

Mabilis na nagsagawa ng mandatory search ngunit sa hindi inaasahang pangyayari nakuhaan ang suspek ng isang katamtamang laki ng plastik na pakete na may residue ng shabu, dalawang pirasong maliit na pakete ng shabu at isang aluminum foil.

Tinatayang may bigat na 0.0621 gramo na may street value na P1,000 ang nasabing iligal na droga.

Kasong Rape in relation to RA 7610 at Violation of Sec 11 Art II of R.A 9165 naman ang inihahanda na ng San Lorenzo MPS laban sa suspek.

The post Dalagita ni-rape ng adik na stepdad appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Dalagita ni-rape ng adik na stepdad Dalagita ni-rape ng adik na stepdad Reviewed by misfitgympal on Setyembre 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.