Facebook

Its time!!!

NGAYON na ang simula ng filing ng Certificate of Candidacy (CoC) para sa Halalan 2022.

Sino kaya ang early bird na magsusumite ng CoC para sa pagka-Pangulo? Surely wala sa hanay ng top political personalities. Ang inaasahang magpa-file ngayon ay ang mga nuisance candidates. Hehehe…

Oo! Posible ang mga pangunahing personahe na tatakbong Pangulo ay next week pa magpa-file, malamang sa Oktubre 6, at 8, lucky numbers para sa Chinese.

So far, ang mga tandem na opisyal na nagdeklara para sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo ay sina Manila Mayor Isko Moreno at Dr. Willie Ong, Senador Ping Lacson at Sen. Tito Sotto.

Ang mga inendorso naman ng kanilang partido pero hindi pa opisyal na nagdeklara ay ang Sen. Bong Go at Pres. Rody Duterte, at Sen. Manny Pacquiao.

Wala pang running mate si Pacquiao.

Ang mga inaabangan namang magdeklara ay sina Vice President Leni Robredo, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, at dating Senador Bongbong Marcos.

Nitong Huwebes ng hapon ay nagmiting ang 1Sambayan at Liberal Party para sa iaanunsyo nilang pambato sa pagkapangulo, pangalawang pangulo at mga senador. Maaring isapubliko nila ngayon ang kanilang tiket. Abangan!

***

Malakas ang posibilidad na mabuo ang Sara-Marcos tandem. Ito’y nang lumabas sa mga latest survey na 1-2 ang dalawa para sa presidential.

Ang problema lang rito ni Sara ay ang Go-Duterte tandem. Pag umatras ito, sigurado push si Sara at malamang kunin Vice si Marcos.

Si Sara ay balitang nag-file ng leave sa pagka-mayor mula Oct. 1-5, unang limang araw ng pag-file ng CoC. Sybaybayan!

***

Inanunsyo na ni Sen. Pacquiao ang pagretiro sa boksing. Magkokonsentreyt na raw sa kanyang political career, pagtakbong Pangulo ng bansa.

Pero sa tingin ko, ‘pag hindi pinalad si Pacquiao sa kanyang ambisyon maging Pangulo, babalik ito sa boksing. At 42, yakang yaka pa niyang lumaban, kumita ng daan daang milyong piso, at magkampeon uli. Kitang kita naman sa kanyang nakaraang laban kay Yordenis Ugas na kaya pa niyang lumaban, kailangan lang niyang magkonsentreyt sa training at kalimutan na ang politika. Mismo!

Ang basa ko rito sa ‘di pag pagdedeklara nina Robredo at Pacquiao ay magsasanib puwersa ito, sila ang magta-tandem. Puede!

***

Balikan natin ang Vice ni Isko na si Dr. Ong. Sa lahat ng Vice Presidentiables, tingin ko ay siya ang ating kailangan sa panahon ngayon na under pandemic sa deady virus ang Pilipinas.

Oo! Isang mataas na opisyal na dalubhasa sa medisina ang kailangan ng Pilipinas para makaalpas na tayo sa magdalawang taon nang pandemya.

Sabi nga ni Dr. Ong, kapag sila ni Isko ay nahalal at itinalaga siya sa Dept. of Health, ang tututukan niya ay mga gamot at hospital, hindi faceshields, para matapos na ang problema sa Covid19. Mismo!

***

Ang voter registration ay extended ng 2 weeks, mula Oct. 9 hanggang Oct. 30. So far, nasa 63 million na ang registered voters. Nasa 12 million pa ang inaasahang magparehistro. Go! na sa Comelec para makaboto sa May 9, 2022.

The post Its time!!! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Its time!!! Its time!!! Reviewed by misfitgympal on Setyembre 29, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.