DEAD on the spot ang dalawang pulis na miyembro ng Anti- Narcotics ng Nueva Ecija nang barilin ng riding in tandem sa Brgy. Magsaysay Norte sa lungsod ng Cabanatuan.
Kinilala ang mga napaslang na sina PSsgt Allan Capinpin, 43; at PSsgt. Aries Dichoso, 39 anyos, ng Drug Enforcement Unit ng Cabanatuan Police Station.
Sa ulat, gabi nitong Biyernes nang barilin ng malapitan ang dalawang pulis habang masayang nagkukwentuhan sa balwarte ng Capinpin residence.
Dahil dito agad inatasan ni Pro3 Regional Director PBGen Val De Leon ang malalimang imbestigasyon kung sino at ano ang motibo ng pamamaril sa dalawa.
Samantala nangako naman si PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na makakaasa ang kanilang mga mahal sa buhay na agad aaksyunan ng PNP ang pangyayari upang makamit ang hustisya ng kanilang mga pamilya.(Thony D. Arcenal)
The post 2 PULIS, BINIRA-PATAY NG RIDING IN TANDEM appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: