USAPAN na sa social media at sa ilang mga kababayan natin na tayong bansa na lamang ang nagpapatupad o sinasabi nilang nagpapauso ng face shield ngayong kasagsagan ng pandemic.
Ito nga ba ay nakakatulong sa mga kababayan natin na gustong makaiwas o panlaban sa Covid 19 at Delta variant (virus) na yan.
Ayon kasi sa ilang mag- aaral (experts) tungkol dyan sa face shield na yan,mas nagiging malapit pa pala ito sa mga gumagamit na makakuha ng virus.
Dahil nga ang Covid virus ay nakakahawa dahil ito ay airbourne.Mas nagsi- circulate pa daw ang virus sa pagitan ng face shield at mukha mismo ng gumagamit.
Kaya kahit naka-mask ka, kakapit pa rin ito sa iba’t ibang parte ng mukha mo kaya pag hubad mo ng face shield at face mask, masisinghot mo din ang mga virus.
Sabi ng ilang experto mas magandang gamitin ang face shield sa mga close door gaya ng hospital dahil nga wala naman hangin sa loob na maaring magcirculate sa pagitan ng face shield at mukha ng gumagamit nito.
Kung pagbabasehan nga naman din ang ilang bansa,walang face shield sa kanila na ginagamit. Tanging face mask lang.
Meron din ibang bansa na pinupuntahan ng mga OFW’s natin na pagdating nila ay agad na pinapatapon ang mga face shield na dala nila mula pilipinas at gamit din sa pagsakay ng eroplano.
Ibig sabihin lang nito na mukhang mas carrier pa nga ng virus ang mga face shield kung kaya’t hindi ito tinatanggap sa ibang bansa. Mukhang hindi na talaga kailangan ng face shield sa ating bansa.
Kaya hindi tuloy maialis sa isip ng mga kababayan natin na may kumita na naman sa pagpapatupad ng face shield na yan.
Sino nga ba ang may panukala nyan? Kanino o sino ba ang supplier ng mga face shield sa ating bansa.
Ang pagkakaalam ko, mgaTsekwang supot ang manufacturers at distributors ng face shield dito sa Pilipinas!
Hindi nga ba naisahan na naman ang mga kababayan natin para lamang may pagkakitaan ang mga kupaling negosyante?
Dapat pag aralan ulit nila kung dapat pa ba ipatupad o dapat ng alisin ang face shield sa atin. Face shield is not essential.
Iniisip tuloy ng ibang tao na ang face shield pa ang nagiging dahilan kung bakit patuloy na lumulobo ang bilang ng mga nagpo-positibo sa mga virus na yan.
Mukhang ipinilit lang talaga ‘yang face shield na ‘yan sa atin for the benefit of face shield manufacturer and face shield commissioner/yung mga nangungumisyon sa proyekto at kontrata gobyerno.
Tama na, kumita na!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post FACE SHIELD NOT ESSENTIAL appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: