ANG Department of Health ay nakapagtala ng 26,303 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 16,013 na gumaling at 79 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 8.4% (185,706) ang aktibong kaso, 90.0% (1,985,337) na ang gumaling, at 1.59% (34,978) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 9, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.8% sa lahat ng samples na naitest at 1.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang ating mga kaso ng COVID-19. Ang pagsunod sa minimum public health standards, maiging pagsasagawa ng PDITR strategies, at pagbabakuna ay nanatiling pinakapabisang depensa sa COVID-19. Mahalaga rin na tayo ay mag-isolate at makipagugnayan sa BHERTs kung tayo ay may sintomas ng COVID-19. Ang maagang konsultasyon at pagpapatest ay makatutulong upang maputol ang hawaan sa mga bahay, komunidad, at sa mga lugar na pinagtatrabahuhan.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: https://ift.tt/3tweQSa. (ANDI GARCIA)
The post 26, 303 na record breaking na bilang ng kaso ng COVID-19, naitala appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: