Facebook

20,741 NA DAGDAG KASO NG COVID, NAITALA

ANG Department of Health (DOH) ay nakapagtala ng 20,741 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Samantala ay mayroon namang naitalang 21,962 na gumaling at 189 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.6% (157,646) ang aktibong kaso, 90.7% (1,869,376) na ang gumaling, at 1.65% (34,062) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 2, 2021 habang mayroong 5 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 1.5% sa lahat ng samples na naitest at 1.8% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang ating mga kaso ng COVID-19. Ang pagsunod sa minimum public health standards, maiging pagsasagawa ng PDITR strategies, at pagbabakuna ay nanatiling pinakapabisang depensa sa COVID-19.

Mahalaga rin na tayo ay mag-isolate at makipagugnayan sa BHERTs kung tayo ay may sintomas ng COVID-19. Ang maagang konsultasyon at pagpapatest ay makatutulong upang maputol ang hawaan sa mga bahay, komunidad, at sa mga lugar na pinagtatrabahuhan.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: https://ift.tt/3kEXxbI. (ANDI GARCIA)

The post 20,741 NA DAGDAG KASO NG COVID, NAITALA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
20,741 NA DAGDAG KASO NG COVID, NAITALA 20,741 NA DAGDAG KASO NG COVID, NAITALA Reviewed by misfitgympal on Setyembre 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.