Facebook

4 nalibing ng buhay sa landslide

NUEVA VIZCAYA – Apat na construction workers ang nalibing ng buhay sa landslide sa Sitio Naduntog, Barangay Tiblac, Ambaguio dito sa lalawigan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Christopher Padua, 38 anyos, ng Sta. Rosa, Bayombong; Rafael Villar, 42; John Retamola, 25, kapwa ng Ibung, Villaverde; at Carlos Tome, ng Purok 7, Bonfal East, Bayombong.

Dakong 8:30 ng umaga nang mangyari ang pagguho ng lupa sa lugar.

Una rito, nagtungo sa site ang mga biktima at ang iba pang kasamahan nila upang gumawa ng concrete slope protection wall para maiwasan ang landslide sa lupaing pagmamay-ari ng isang John Vic Viernes, 39, ng Barangay Don Mariano Perez, Ambaguio.

Habang naghuhukay ng pundasyon ng concrete wall ang mga biktima ay biglang gumuho ang lupa at natabunan ang apat ng mahigit 6-meter na kapal ng lupa.

Kaagad namang rumisponde ang mga kasapi ng Ambaguio Police Station, BFP, MDRRMO at Tam-an rescue team para sa retrieval operation.

Sa paghuhukay sa katawan ng mga biktima, natamaan ng backhoe ang tatlo at napugutan pa ng ulo.

Dinala ang katawan ng mga biktima sa isang punerarya.

Nagkaroon na ng initial na pag-uusap ang pamilya ng mga biktima at si Viernes. Binayaran na umano nito ang funeral fees at magbibigay ng financial assistance sa mga naulila. (REY VELASCO)

The post 4 nalibing ng buhay sa landslide appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
4 nalibing ng buhay sa landslide 4 nalibing ng buhay sa landslide Reviewed by misfitgympal on Setyembre 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.