Facebook

Abogado tinodas sa harap ng bahay

KORONADAL CITY- Binawian ng buhay ang isang abogado nang pagbabarilin-patay sa compound ng kanilang bahay 6:00 ng gabi sa bayan ng Surallah, South Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Atty Juan Macababbad, 68-anyos, at residente ng Zone 2, Barangay Libertad, Surallah, South Cotabato.

Ayon kay Mayor Antonio Bendita, nasa loob ng gate ng kanilang bahay ang biktima at isasara na sana nito nang may dalawang motorsiklo na kulay itim ang huminto at lumapit sa kanya sabay baril ng makailang beses.

Naitakbo si Macababbad ng mga kapitbahay sa Javelosa Hospital pero idineklaradead on arrival, na nagtamo ng maraming tama ng bala sa dibdib at ulo.

Agad naman na tumakas ang mga salarin na nakasuot ng mask at bonnet matapos na gawin ang krimen.

Sa ngayon, hindi pa matukoy ang motibo sa pamamaril sa abogado ngunit bago pa man umano ang pangyayari may natatangap nang death threat ang biktima.

Hustiya naman ang sigaw nga pamilya, kaibigan at mga kasamahan nito sa nangyari sa biktima.

Samantala, ipinag utos ni Philippine National Police Chief Gen. Guillermo Eleazar ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon sa pagpatay kay Atty. Macababbad.

Kinondena ni Eleazar ang nasabing insidente at ipinag-utos aa Region Director PRO12 na tutukan ang kaso upang mapanagot ang mga taong nasa likod ng pagpatay at maibigay ang hustiya sa pamilya ni Atty. Macababbad.

Umaasa si Eleazar na malulutas sa lalong madaling panahon ang kaso, matukoy ang motibo ng pagbaril at pagtukoy sa posibleng pagkakakilanalan ng mga salarin at mastermind.

Inatasan rin ni Eleazar ang DIDM na alamin ang status ng lahat ng mga kaso ng mga abogado na napatay sa nakalipas na 5 taon upang mapabilis ang pagasagawa ng imbestigasyon sa mga hindi pa nareresolba kaso.(Mark Obleada)

The post Abogado tinodas sa harap ng bahay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Abogado tinodas sa harap ng bahay Abogado tinodas sa harap ng bahay Reviewed by misfitgympal on Setyembre 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.