Facebook

Bakit naabutan na ni Yorme Isko si Mayor Sara sa ilang survey?

DAPAT mag-ingat ang maraming kandidato, lalo na ang mga presidentiables, sa paghingi ng basbas kuno ng mga lider relihiyon.

Batay sa pag-aaral na ginawa, marami sa mga nagpoproklamang sila ay “sugo ng Diyos” at “nakakausap si Jesus” ay hindi pala kayang mag-deliver ng mga boto ng sinasabi nilang “milyon-milyong kaanib.”

Iisa lamang ang sinasabi nila na kapani-paniwala na makapagbibigay ng solidong boto, batay sa utos o takda ng pangangasiwa sa kanilang mga kaanib.

Ito ay ang Iglesia ni Cristo (INC) na maraming ulit nang naipakita, ang solidong boto niya ay “maaaring magpabago sa resulta ng eleksiyon lalo na kung dikitan ang labanan.”

Bakit natin ito sinasabi? May mga nakapila na umano na ang nais magkaroon ng “audience” sa mga lider ng sekta ng relihiyon na panay ang prayover at paghingi ng basbas ng “itaas.”

Naimbestigahan na ba ang maraming controversial issue hinggil pagbabayad ng tamang tax ng mga lider relihiyon sa pamahalaan na daan-daan milyong piso ang kinita.

Noon ay may binatikos na isang lider relihiyon sa maraming real estate deals nito noong ang pinuno nito ay dating film producer at real estate developer – na ang sinasabi, maraming kaso ito sa lupa na aywan kung ang mga ito ay “naayos” na.

Himala na ang dating pinuno nito ay “nakabangon” sa pagkadapa nito mula nang itayo niya ang kanyang sariling version ng Katolisismo nang magsimulang bumuhos ang maraming “ikapu” at mga donasyon mula sa maraming lider politika, lider negosyante na nais maging “banal” at “maka-Diyos” sa mata ng bayan sa pagsukob sa kanyang sektang kinaaaniban.

Sabi nga, ngayong campaign period, “ang pera ay uulan” lalo na sa mga lider relihiyon na ang prayover at basbas ng kanang kamay ay kasingkahulugan ng makakapal na sobreng donasyon sa “pagpapalaganap ng aral ng Diyos.”

Tandaan na ang paglago ng kayamanan ng mga lider relihiyon na hanggang ngayon, at ang tanong natin sa Bureau of Internal Revenue: Nagbabayad ba nang tamang buwis ang mga lider relihiyon na mga ito?

Hindi dapat na isama ang maraming negosyo ng mga lider relihiyon sa isyung “tax free ang simbahan.”

Ang maraming negosyo nila ay hindi para sa simbahan kungdi para sa sariling interes at para sa kanilang pamilya at mga kasama.

Di ba’t kinalong nang mga naging dating pangulo ang ilan lider relihiyon noon sa Malakanyang, at maging ngayon sa panahon ng kasalukuyang administrasyon, nagtatamasa pa rin ng walang pakialam na panahon na “tax holidays” ang maraming business interest ng mga ito?

Kung ang karaniwang miyembro ng sekta ng relihiyon ay hindi makareklamo sa tuwing kakaltasan ng EVAT at tax withheld sa kanilang mga sahod, bakit ang kanilang mga lider o pinuno ay parang “tax free.”

Sasabihin, nagbabayad ng buwis ang mga negosyo nila: O sige, di ipakita ang mga rekord ng binayaran – at sumpaan nila sa Biblia sa harap ng kanilang mga kaanib at sabihin, ang perang kinapital nila sa mga negosyo nila ay hindi galing sa kanilang “ikapu.”

Ay inakupooooooo!

***

Tunghayan po natin ang feedback mula sa isang tagasubaybay:

Dear Sir,

UNA, isang magpapalang araw po sa inyo at mabuhay po kayo.

In an article I read that according to the latest survey result ay malapit na daw matapos at matuldukan ang panahon ng mga Duterte.

Parang totoo po ito batay sa iba pang independent survey sa maliliit na community na naniniwala sa ngayon, ang presidential fight ay nakasentro ngayon kina Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Davao City Mayor Sara Duterte at Bongbong Marcos na ayon naman sa ilang survey, halos pantay na ang approval rating sa mga botante.

Mayor Sara was told to make in the public mood to reinvent his campaign strategy and focus on what he can do for the country to offer leadership change to an honest governance.

Why is Yorme Isko catching up with, and my answers are the following:

Sa maikling panahon bilang alkalde ng Maynila ay dami agad na pinatunayan itong si Yorme gaya ng pagpapaganda, pagpapalinis ng ilang lugar at pagsasaayos sa ng mga parks, spectacular ang ginawa niyang pagtugon sa problema sa COVID-19 pandemic gaya ng pagpapabakuna hindi lang para sa taga-Maynila inakap at kinanlong pati taga ibang lugar, etc., yung kanyang mga proyektong pabahay para sa mga iskwater at mga nangungupahan, infrastructure projects at marami pang iba.

Si Sara ay kamakailan ay nagsabi na hindi na siya tatakbong presidente, ika nga ng iba ay reluctant siya pero ang panilawa ng lahat ay ploy lang ang ginagawang palabas ng ama nito na si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa huli ay yung anak pa rin niyang si Inday ang patatakbuhin.

Bongbong Marcos is campaigning for economic progress, jobs and poverty reduction. Siya raw ang magtatapos ng kahirapan.” Millions of poor Filipinos are becoming enamored to Marcos’ promise to stop and arrest poverty. E, sino ba ang ayaw ng ganitong pangako?

Sa mga maliliit na community survey nito lang nakalipas na August at unang linggo ng September ay ipinapakita na naabutan na ni Yorme Isko si Inday and has an advantage by 5 percent among the rich and 15 percent among the middle class, and 30 percent among the poor. This indicates that it is the poor voters ang siya pa ring magdidikta at magpapanalo sa oras na tumakbong pangulo si Yorme Isko. Meaning, epektibo ang mga ginagawang pagpupursige, sipag at bilis kilos ni Kois, at tiyak mangangamote sina Sara Duterte at Bongbong Marcos at ang kanilang mga barkada sa finals.

Based on self-rated poverty, more or less than 50 percent of the voters are poor who are more vulnerable to patronage politics, and because many poor among the poorest, living a hand-to-mouth existence, the poor are the last to understand that poverty can be eradicated through control of corruption and political stability. Thus, the Duterte camp has taken an easy ride on the poor by appealing to their emotion while Yorme Isko ay tuloy-tuloy lang muna sa kanyang trabaho sa Maynila bilang alkalde pero sinisigurong ang kapakanan ng maliliit at api ang makikinabang sa kanyang ipinapagawang mga proyekto.

Hindi ako tagahanga ni Isko, di rin fan ni Duterte and I am also not a Bongbong fan. Ako po ay ordinaryong mambabasa at nag-aaral ng pangyayari sa ating bansa, lalo na ngayon na malapit na ang 2022 elections.

I have some reservations sa 3 because I have preference for other less known presidentiables who I will not name as of this moment.

Maraming salamat po sa pagbibigay ng espasyo sa aking munting comment, at mabuhay ang inyong pahayagan.

More power.

Ms. Aida Detecto
UP Diliman, Quezon City

The post Bakit naabutan na ni Yorme Isko si Mayor Sara sa ilang survey? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bakit naabutan na ni Yorme Isko si Mayor Sara sa ilang survey? Bakit naabutan na ni Yorme Isko si Mayor Sara sa ilang survey? Reviewed by misfitgympal on Setyembre 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.