Facebook

Ano pa bang paliwanag ang gusto niyo

ITO ang magandang paliwanag para matauhan ang lahat ng nahihikayat ng manglolokong komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF, kasama na ang Makabayan Bloc sa Kongreso.

Nitong nakaraang September 7, 2021 humarap sa publiko ang labing-dalawang lider ng mga guerilla front ng CPP-NPA-NDF sa isinagawang balitaan ng Philippine Army sa rehiyon ng Mindanao. Kanilang isiniwalat ang kani-kanilang dahilan kung bakit sila ay humilagpos sa maling paniniwala na may ibibigay na malaking pagbabago ang pagiging komunistang-terorista.

Sa kwento pa lamang ni Arianne Jane Ramos alias Ka Marikit, isang 28 anyos na masasabi nating ‘amazona’ ng NPA, ay talaga namang mapapaluha ka na. Sa loob nga daw ng tatlong buwan bago ang kanyang pagsuko, wala silang ginawa kung di tumakbo at magtago sa mga kagubatan at kabundukan, dahil sa patuloy na pagtugis ng mga tropa ng pamahalaan, na kung minsan kapag sila ay malapit nang abutan bakbakan at barilang umaatikabo ang kanyang naranasan.

Dito niya nasaksihan kung paano tamaan at mapatay ang kanyang minamahal na si Rommel Tausan, ang kanilang commanding officer. Saksi rin siya kung paano mapatay at masugatan ang kanyang mga ‘comrades’, tinatawag ang kanyang pangalan upang sila ay tulungan habang sugatan at nakikipaglaban sa mga sundalo.

Gutom sa loob ng apatnapung araw na pakikipagtaguan sa militar huwag lamang mapatay. Walang ligo-ligo hanggang sa mamaho, at walang alam na patutunguhan kundi ang nalalapit na kamatayan o pagkahuli, na ang pinaka-mainam ay sumuko na lamang.

Nakakapagod ang nasabi na lamang ni Ka Marikit, at mahirap daw makipag-bakbakan o makipaglaban ng nag-iisa o kakaunti na lang, samantalanag wala na rin malalaman ang kanilang mga pinunong pinaniniwalaan kung paano sila aalalayan habang nasa malalamig na tanggapan na kanilang pinagkukublihan.

Dumadausdos, ang paglalarawan ni Ramos sa kanilang komunistang-teroristang samahan. Walang patutunguhan kung di pagka-gapi at pagsabog ng maling idelohiyang sinusulong.

Pagbabagong buhay naman ang para kay Eddie Genelsa, alias “Lando Pahak”, “Brad” at “Jimbo”, na miyembro ng CPP-NPA-NDF mula pa noong 1979. Bukod raw sa pagnanais na makapagbagong buhay at makapiling ang pamilyang matagal na nawalay, nakikita na ni Genelsa ang “malaking kaibihan ng gobyerno sa ngayon” kumpara sa mga administrasyong mga nagdaan.

Apatnapu’t isang taon namalagi sa samahan na wala namang narating na kaginhawahan man lang, kaya nagdesisyon na lamang na magbalik-loob sa pamahalaan, na wala man lang pinakitang masamang kalooban sa kanyang pagsuko, bagkus ay inalalayan pa siya at binigyan ng kabuhayan upang mai-ahon ang kanyang pamilya sa kahirapan.

Dalawa pa lamang sa labing-dalawang lider na nagsisuko ang aking naibahagi sa inyo, na mga paliwanag bakit sila umigtad sa samahang ang kanilang pag-aakala ay magbibigay ng kasaganaan sa kanilang mga buhay. Ano pa bang paliwanag ang gugustuhin ninyo sa kanilang mga kwento na lang.

Hindi ba’t talagang walang mahihita sa sinasabing pakikibaka para sa pagbabago. Hindi na ninyo maloloko ang ating mga kababayan, mas mainam na magsisikuo na rin at magbalik-loob sa pamahalaan at maranasan naman ninyo ang malaking kaibahan.

The post Ano pa bang paliwanag ang gusto niyo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ano pa bang paliwanag ang gusto niyo Ano pa bang paliwanag ang gusto niyo Reviewed by misfitgympal on Setyembre 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.