HINDI na nagpatumpik-tumpik pa si Senator Christopher “Bong” Go sa persona na pagsaklolo sa mga residenteng nasalanta ng nakaraang bagyong Jolina sa Biñan City sa Laguna.
Kasama ang mga concerned government agencies, namahagi si Go sa 381 typhoon victims ng iba’t ibang maitutulong.
“Hindi ko po matiis na nakaupo lang (sa opisina), nagpapalamig, tapos ‘yung mga kababayan mo rito naghihirap, tinatamaan ng bagyo, may COVID pa tayo. Basta kaya ng panahon ko at ng aking katawan, pinangako ko sa inyo, pupuntahan ko po kayo kahit saang sulok ng Pilipinas,” ani Go.
“Wala pang proklamasyon, pumunta po ako rito. Pagkatapos ng proklamasyon ko… pumunta po ako sa nasunugan sa Caloocan… Pumunta rin po ako rito sa Binan noon sa mga nasunugan. Dahil pangako ko pong babalikan at tutulungan ko kayo sa oras ng inyong pangangailangan,” idinagdag niya.
Sa kanyang speech sa Alonte Sports Arena, sinabi ni Go na patuloy niyang isinusulong ang paglikha ng isang departamento na magpopokus sa paglutas sa epekto ng mga sakuna sa bansa.
Kabilang sa kanyang priority bills ang Senate Bill No. 205, o ang Department of Disaster Resilience, na layong palakasin at pabilisin ang disaster preparedness mechanisms sa bansa.
“Huwag na nating antayin pa na panibagong bagyo o pagbaha na naman ang dumating sa buhay natin. Kailangan po magkaroon ng Cabinet Secretary-level na departamento para rito,” idiniin ni Go.
“‘Yun na po ang makikipag-coordinate sa LGUs. Naka-preposition na po ‘yung mga goods, ilikas po ‘yung mga kababayan natin sa ligtas na lugar at pag-alis po ng bagyo ay nakatutok sa restoration of normalcy at rehabilitation efforts,” patuloy niya.
Sinabi niya na kung mayroon nang departamentong nakatutok, ito na ang makikipag-coordinate at tuluy-tuloy na ang serbisyo ng gobyerno.
“Pumunta po ako rito sa Biñan para sa mga natamaan ng bagyo… At huwag ho kayong magpasalamat sa amin ni Pangulong Duterte, kami po ang magpapasalamat sa inyo dahil binigyan niyo po kami ng pagkakataon na makapagserbisyo po sa inyo.”
“Sabi ko nga, trabaho po namin ‘yan. Pinasok namin ito. Obligasyon namin ang magserbisyo po sa inyong lahat,” anang mambabatas.
The post Bong Go agad umayuda sa mga sinalanta ng typhoon Jolina sa Biñan, Laguna appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: