Sugatan ang walong pulis nang mahulog ang sinasakyang patrol car sa Sitio Lutangan, Barangay Kapatagan, Digos, Davao Del Sur.
Ito ang kinumpirma ni Police Regional Office-11 (PRO-11) Spokesperson Major Eudi Gultiano.
Ayon kay Gultiano, sakay ang mga nasabing pulis sa patrol car na siyang nagsisilbing security escort ng validating team na nasa lugar kaugnay sa isinasagawang aktibidad sa Mindanao Police Training Camp sa Digos.
Ang nasabing aktibidad, dinaluhan din ni PNP Chief General Guillermo Eleazar at nangyari ang aksidente pagkaalis ng convoy nito sa lugar.
Ayon pa kay Gultiano, matarik ang kalsada sa lugar kaya nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber nito pero dahil iniwasan na mabangga sa isang pang kasunod na patrol car kaya nakabig nito ang manibela diretso sa bangin na may lalim na tatlong palapag.
Sa ngayon nasa ligtas na kondisyon na ang mga sugatang pulis.
Pinasinungalingan din ni Gultiano ang naunang ulat na bahagi aniya ng security convoy ni PNP Chief.
Ang validating team ay nasa ilalim ng Directorate for Police Community Relations (DPCR) na ipinadala sa lugar para ilunsad ang mga programa ng pulisya.
Ayon sa opisyal, kailangang operahan ang isa sa walong sugatang pulis habang minor injuries naman ang tinamo ng pitong iba pa.
Samantala, nilinaw naman ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na ang naaksidenteng sasakyan ay hindi bahagi ng kaniyang security escort.
Nasa Digos, Davao del Sur si Eleazar bilang bahagi ng kaniyang command visit.
” Hindi ko sila security Anne pero ok naman na sila,” mensahe ni PNP Chief Gen. Eleazar.
The post Patrol car nahulog sa bangin: 8 pulis sugatan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: