HINDI tulad ng iba na absenero, tamad at tutulog-tulog, nakapagrehistro si Senator Christopher “Bong” Go ng perfect attendance sa second regular session ng ika-18 Kongreso.
At habang tinutupad niya ang kanyang mga legislative-related na responsibilidad, ang kanya namang opisina at grupo ay patuloy sa pagtugon sa kagyat na pangangailangan ng mga Filipino na nahaharap sa krisis sa buong bansa.
“Kahit busy tayo sa pag-iikot sa buong bansa upang magserbisyo, sinisigurado kong hindi napapabayaan ang aking mga tungkulin bilang representante ninyo sa Senado,” ayon kay Go.
“Para sa akin, walang tulog ang serbisyo. Inaasikaso ko ang mga responsibilidad ko bilang mambabatas habang patuloy ang aking pagtulong kay Pangulong Rodrigo Duterte tulad ng aking ipinangako noon. Iyung natitira kong oras, bumababa ako sa tao upang tugunan ang kanilang mga pangangailangan at mag-iwan ng ngiti sa oras ng kanilang pagdadalamhati,” idinagdag ng senador.
Sa rekod ng Senado, lumilitaw na dinaluhan ni Go ang lahat ng 69 plenary sessions sa simula ng 2nd regular session noong July 2, 2020 hanggang sa adjournment nito noong June 3, 2021.
Maliban sa isang official mission sa ibang bansa kung saan ay pormal siyang nagpaalam, dumalo siya sa 66 sesyon noong first regular session na isinagawa noong July 22, 2019 hanggang June 4, 2020.
“As I have always said before, I will not limit myself to the four corners of the Senate. A senator’s job entails constituency, representation and legislation,” ani Go na personal ding naghahatid ng ayuda sa mga nangangailangan bilang bahagi ng kanyang misyon na pakinggan ang hinaing ng taumbayan.
“May pitong araw naman sa isang linggo, apat na araw sa Senado. Sa mga ganitong araw na pwede akong magpahinga, hindi na ako magpapahinga, inilalaan ko nalang sa mga tao,” ayon kay Go.
At sa kabila aniya ng pandemya, nananatii siyang committed sa paghahatid ng ayuda sa mga kababayan nating nahihirapan para tulungan silang makarekober.
“Alam kong mahirap ang panahon ngayon. Marami pong nagsara na negosyo at marami ang nawalan ng trabaho. Magtulungan lang tayo, mga kababayan ko. Importante ay makatawid tayo dito sa krisis na ating kinakaharap bilang nagkakaisa at nagtutulungan na mamamayang Pilipino,” anang senador.
Bukod aniya sa legislation, parte rin aniya ng kanyang tungkulin ang representation at constituency services.
“Oo, legislators tayo pero higit sa lahat, public servants po tayo! Ito na ang nakasanayan ko. Dito po ako namulat, ang pagtulong po sa mahihirap at pagserbisyo po sa kapwa ko Pilipino,” sabi ni Go, kasalukuyang chairman ng Senate Committee on Health and Demography at ng Committee on Sports.
The post BONG GO, PERFECT ATTENDANCE SA SENADO appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: