Bahagi sa puspusang pagmamalasakit ni Senator Christopher “Bong” Go sa kapakanan ng mga dating nalulong sa ipinagbabawal na droga ay isinusulong nito ang paglalaan ng mga rehabilitation center sa buong bansa para sa recovery ng mga Persons Who Used Drugs (PWUDs).
Sa isang aktibidad na isinagawa ng grupo ni Sen. Bong Go sa Tudela, Misamis Occidental mula nitong August 26 at 27 ay ipinanawagan nito na maipasa ang Senate Bill No. 399 na naglalayong makapagpatayo ng drug abuse treatment at rehabilitation center sa bawat probinsiya sa buong bansa
“Paalala ko sa mga kababayan natin: kapag pumasok kayo sa droga, ang isang paa n’yo nasa hukay na. Hindi lang ‘yan nakakasira ng utak, nakakasira rin ‘yan ng pamilya at komunidad. Sa mga gustong mag bagong buhay, may rehabilitation centers po tayo na handang tumulong para makapag bagong buhay kayo,” pahayag ni Go sa kaniyang video message.
“Kami ni Pangulong Rodrigo Duterte, ipagpapatuloy namin ang kampanya laban sa korapsyon, kriminalidad at illegal na droga. Hindi kami titigil para maproteksyunan ang kinabukasan ng ating mga anak,” pagdidiin pa ni Go.
Ang team ni Go ay namahagi ng snacks, vitamins, masks at face shields sa 1,248 PWUDs na idinaos sa Tudela Municipal Gym at para sa seguridad ng health and safety ay mahigpit na ipinairal ang government protocols para maiwasan ang hawaan ng COVID-19.
Ilan sa mga benepisaryo ay tumanggap ng pairs of shoes at ang mga umaasa sa pagko-commute ay nabigyan ng mga bisekleta. Ang iba naman ay computer tablets para magamit ng kanilang mga nagsisipag-aral na mga anak sa kani-kanilang mga bahay.
Ang mga personnel naman mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay namahagi ng financial assistance sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation program at ang Department of Health (DOH) ay namigay naman ng hygiene kits. Namigay naman ang Department of Agriculture (DA) ng mga seedling sa isinagawa nilang hiwalay na aktibidades.
Sa isinagawa namang assessment ng
Department of Trade and Industry (DTI) at ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay nagkaloob ng trainings at livelihood aid sa mga qualified beneficiaries. Nagsagawa rin ng assessments ang Technical Education and Skills Development Authority para sa kanilang scholarship program.
Sa kahalintulad na aktibidad ay inayudahan din ng mga nabanggit na national agencies ang may 700 iba pang vendors at tricycle drivers sa Plaridel noong August 24.
Bilang pagtiyak na matatanggap ang mga medical support ay inimpormahan ni Senator Go ang mga benepisaryo na mag-avail sila ng assistance sa Malasakit Center na nasa Mayor Hilarion A. Ramiro Sr. Medical Center sa Ozamiz City.
Ang Malasakit Center ay isang one-stop shop na pinasimulan ni Go, kung saan ang mga mahihirap at iba pang financially incapacitated patients ay madaling.makapag-aaplay ng medical assistance mula sa DOH, DSWD, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office.
Ang programa ay batay sa Republic Act No. 11463, o ang Malasakit Centers Act, na nilagdaan ni President Rodrigo Duterte noong December 2019.
Pinasalamatan ni Go ang iba’t ibang government officials sa kanilang pagsuporta sa RPWDs tulad nina Deputy Speaker at 2nd District Representative Henry Oaminal; Mayor Samuel Parojinog; Vice Mayor Estela Obut-Estaño; at Councilors Ronil Obut, Nelvin Lague, Samuel Edusma III, Juscille Campo, Arsenio Singidas, Edwin Mixdon, Bonifacio Alcoseba at Restituto Llorong.
Bilang Vice Chair of the Senate Finance Committee ay sinuportahan ni Go ang iba’t ibang infrastructure projects sa promosyon kapuwa ng development at economic growth sa Misamis Occidental. Ang mga ito ay kinabibilangan ng construction ng Mt. Malindang eco-tourism bypass highway at ang multi-purpose building sa Tudela.
Sinuportahan din nito ang construction o rehabilitation of roads sa Aloran, Bonifacio, Calamba, Clarin, Don Victoriano, Jimenez, Sapang Dalaga, Sinacban at Ozamiz City; construction ng multi-purpose buildings sa Concepcion, Jimenez, Plaridel, Oroquieta, Ozamiz City at Tangub City; at installation ng streetlights sa Ozamiz City, Tangub City at sa iba pang national highways at provincial roads.
The post DATING MGA ADIK SA MISAMIS OCC. TINULUNGAN NI BONG GO appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: