MARIING tiniyak ng mga opisyal ng Barangay E.Rodriguez, Quezon City na patuloy ang paghahatid ng suportang ayuda sa 57 construction worker na nagpositibo sa Covid -19 sa naturang barangay.
Ayon kay Brgy. E. Rodriguez Captain Marciano R. Buena-Agua nailipat na sa facilities ng Barangay E. Rodriguez ang mga nagpositibo ng construction worker para isailalim sa 14 days prescription period at nagsasagawa na ng contact tracing .
Sinabi pa ni Buena-Agua na ang 57 construction worker na nagpositibo ay pawang mga obrero na naninirahan sa isang barracks sa Standandford St. Brgy. E. Rod. ay pawang construction worker ng Mellinium Eractor Construction ay nagpositibo sa Covid matapos sumailalim sa swab test.
Ang mga naturang construction worker na nagpositibo ay kabilang sa 274 construction worker na na naninirahan sa barracks sa naturang lugar.
Ayon pa kay Buena Agua patuloy naman ang pagbibigay ng ayuda sa mga kasamahan construction worker ng habang sumasailalim sa 14 days prescription .
Kaugnay nito nanawagan naman ang mga Brgy. E. Rod. Sa DOLE na dapat mabigyan ng suweldo ang mga naturang construction worker ng kanilang construction management habang sumasailalim sa quarantine period ang mga naturang construction worker.(Boy Celario)
The post Ayuda tiniyak sa 57 construction worker sa QC appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: