Facebook

BONG GO RUMESPONDE SA NIÑAN, LAGUNA

Personal na tinungo ni Senator Christopher “Bong” Go ang Biñan City, Laguna nitong nakaraang September 10 para sa dagliang pagtulong sa pangangailangan ng mga komunidad na naapektuhan ng bagyong Jolina.

Si Go kasama ang mga kinauukulang government agencies ay namahagi ng ayuda sa 381 typhoon victims, kinunsulta ang local leaders sa kung paano makatutulong ang national government para sa pagbangon at tiniyak nito sa mga residente na ang Duterte admimistration ay patuloy na maghahatid ng serbisyo publiko sa panahon ng krisis.

“Hindi ko po matiis na nakaupo lang (sa opisina), nagpapalamig, tapos ‘yung mga kababayan mo rito naghihirap, tinatamaan ng bagyo, may COVID pa tayo. Basta kaya ng panahon ko at ng aking katawan, pinangako ko sa inyo, pupuntahan ko po kayo kahit saang sulok ng Pilipinas,” saad ni Go.

“Wala pang proklamasyon, pumunta po ako rito. Pagkatapos ng proklamasyon ko… pumunta po ako sa nasunugan sa Caloocan… Pumunta rin po ako rito sa Binan noon sa mga nasunugan. Dahil pangako ko pong babalikan at tutulungan ko kayo sa oras ng inyong pangangailangan,” dagdag nito.

Sa kaniyang naging talumpati sa Alonte Sports Arens, si Go ay may advocacy rin sa creation ng departamentong sesentro sa pagtugon at pagpapagaan sa epekto ng mga kalamidad. Kabilang sa mga priority bills nito ay ang Senate Bill No. 205, o ang Department of Disaster Resilience, na naglalayong mapabuti ang mga mekanismo sa kahandaan ng bansa sa mga kalamidad.

“Huwag na nating antayin pa na panibagong bagyo o pagbaha na naman ang dumating sa buhay natin. Kailangan po magkaroon ng Cabinet Secretary-level na departamento para rito,” pagdidiin ni Go.

“‘Yun na po ang makikipag-coordinate sa LGUs. Naka-preposition na po ‘yung mga goods, ilikas po ‘yung mga kababayan natin sa ligtas na lugar at pag-alis po ng bagyo ay nakatutok sa restoration of normalcy at rehabilitation efforts,” pagpapatuloy nito.

“Kung mayroon na pong departamentong nakatutok, ‘yon na po ang makikipag-coordinate, tuluy-tuloy na po ang serbisyo ng gobyerno,” dagdag nito.

Timiyak ni Go sa mha benepisaryo na ang Duterte administration ay magpapatuloy sa pagsuporta sa mga naghihirap na komunidad upang makabawi mula sa kalamidad at sa kasalukuyang pandemya.

“Pumunta po ako rito sa Biñan para sa mga natamaan ng bagyo… At huwag ho kayong magpasalamat sa amin ni Pangulong Duterte, kami po ang magpapasalamat sa inyo dahil binigyan niyo po kami ng pagkakataon na makapagserbisyo po sa inyo,” pahayag ni Go.

“Sabi ko nga, trabaho po namin ‘yan. Pinasok namin ito. Obligasyon namin ang magserbisyo po sa inyong lahat,” saad pa niya.

Nagpasalamat naman si Biñan City Mayor Atty. Arman Dimaguila kay Sen. Go sa pagsusumikap nitong makatulong sa anumang paraan na masuportahan ang kumunidad na nasalanta.

“Marami na akong inabutang opisyales sa national. Kalimitan, makikilala ka lang kapag pupunta rito. Kalimitan pagkatapos ng usapan, tapos na. Pero kay Senator Bong Go, ako ang napanood niya sa TV, siya ang tumawag, at nandirito na ang tulong niya para sa atin,” pahayag ni Dimaguila.

“Senator Bong Go, ang Biñan ay susuporta sa iyo. Hindi dahil sa pinadala mo, hindi dahil sa tulong. Kaming mga taga-Biñan, hindi kami tumitingin sa materyal na bagay. Tumitingin kami sa pakikisama, at pagmamahal na tunay, at pagpapakita ng malasakit,” saad pa ng Mayor.

Pinasalamatan naman ni Go ang iba’t ibang opisyal sa kanilang pagsusumikap na matulungan ang mga constituent na kinabibilangan nina Gov. Ramil Hernandez, Rep. Len Alonte, Vice Gov. Karen Agapay; Vice Mayor Angelo Alonte; at iba pang local at barangay officials.

“Ako’y nagpapasalamat kay Senator Bong Go dahil isa siya sa mga lingkod bayan na tunay na tumutupad sa kanyang sinumpaang tungkulin para sa ating bayan,” pahayag ni Cong. Alonte sa pagpapatotoo sa ginagawang pagresponde ni Go sa iba’t ibang pangangailangan ng mga tao sa Laguna.

Ang grupo ni Go ay ipinairal ang kaukulang health protocols habang namamahagi ng grocery packs, meals, masks, face shields, at vitamins. May mga piling benepisaryo ang nabigyan ng shoes, bicycles, at computer tablets.

Samantala, ang Department of Social Welfare and Development ay nagkaloob ng financial assistance at grocery packs. Ang Department of Health ay nagsuplay naman ng mga gamot, vitamins, at masks samantalang ang Department of Agriculture ay namigay ng agricultural products sa mga beneficiaries.

Livelihood support naman ang ibibigay sa mga qualified individuals mula sa Department of Trade and Industry. Ang Philippine Charity Sweepstakes Office ay nagpa-deliver ng fresh vegetables sa mga biktima ng bagyo at livelihood equipment naman sa fisherfolks, tulad ng boats at fishing nets.

“Senator Bong Go, nagpapasalamat po kami. Napakalaking tulong po ng ibinigay niyo sa amin kaya buong puso po akong nagpapasalamat sa inyo. At sana po ay magtuluy-tuloy ang inyong pagtulong sa aming mga mahihirap, lalo na po kaming tinamaan ng bagyo,” pahayag ng isa sa mga biktima ng bagyo na si Jesly Sabenia.

Bilang Chair of Senate Committee on Health and Demography, pinaalalahanan ni Senator Go ang publiko na unahin ang ang kanilang pangkalusugan at makibahagi sa national vaccination program laban sa COVID-19.

“Kung mahal niyo po ang inyong mga pamilya at inyong mga anak, dapat po ay protektado kayo. Magtiwala kayo sa gobyerno ninyo, magtiwala ho kayo sa bakuna. Ang bakuna po ang tanging susi o solusyon sa ngayon para unti-unti na tayong makabalik sa normal na pamumuhay,” paliwanag nito.

Hinikayat din nito ang.mga residente na magpatulong sa kanilang pagpapagamot sa Laguna Medical Center, Sta. Cruz o San Pablo City General Hospital, San Pablo City na kinaroroonan ng Malasakit Centers na handang tumulong sa kanila.

Ang Malasakit Center ay isanh one-stop shop na nagkakaloob ng medical assistance programs mula sa DSWD, DOH, PCSO, at PhilHealth. Naglalayon itong mapababa ang halagang babayaran ng mga pasyente sa kanilang pagpapagamot.

Bilang Vice Chair of Senate Committee on Finance, sinuportahan ni Go ang iba’t ibang infrastructure initiatives ng Biñan tulad ng improvement of drainage systems. Ipinursige rin nito ang pagkakaroon ng ambulance units sa Calamba City, Liliw, Magdalena, Nagcarlan, at Santa Rosa City; improvement ng drainage canals sa Cabuyao City, at San Pablo City, at iba pa.

“Alam niyo po, si Pangulong Duterte matanda na po ‘yan 76 years old na po ‘yan. Pero patuloy ang ginagawa niya para sa ating bayan, ‘yung sakripisyo niya po. Ako naman, sasamahan ko siya dahil alam ko po na nagsasakripisyo po siya sa ating mga kababayan. Uulitin ko, nandirito lang po kami ni Pangulong Duterte na handang magseserbisyo sa inyo, ” pagtatapos ni Go.

Noong 2019, si Go ay naideklarang adopted son ng CALABARZON region sa manifestong inilabas ng governors of Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

The post BONG GO RUMESPONDE SA NIÑAN, LAGUNA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BONG GO RUMESPONDE SA NIÑAN, LAGUNA BONG GO RUMESPONDE SA NIÑAN, LAGUNA Reviewed by misfitgympal on Setyembre 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.