Naguguluhan na mga tao sa mga patakarang pinapatupad ng gobyerno
MASYADO ng naguguluhan ang mga tao sa kung ano-anong patakarang pina-patupad ng gobyerno hinggil sa pagsugpo o pagpigil man lang sa virus na dulot ng covid19.
Nahihilo na at dismayado na ang madlang people sanhi ng mga iba-ibang klase ng community quarantine na pinapatupad.
Hindi umano malaman ng publiko kung nasa status pa tayo ng ECQ, MECQ,GCQ at kung ano-ano pang community quarantine na kung titingnan ay wala rin namang pagbabago.
Ipinapalagay ng marami na parang wala yatang direksiyon tinutumbok at patutunguan ang mga ginagawang hakbang ng gobyerno na kumbaga sa manok ay hilong-hilo na at putak na lamang ng putak.
Bakit kamo? Mantakin niyong na deklara na ang status na GCQ noong nakaraang linggo ay sukat pang binawing muli sa loob lamang ng tatlong oras.
Urong-sulong, atras-abante sa mga mismong patakarang pinapatupad nila samantalang sila-sila lang naman ang nag-uusap hinggil dito sa problema.
Kawawa naman ang mga umaasang publiko na handang-handa na upang muling mag hanapbuhay ngunit muling nabigo sa kanilang inaasahan samantalang ang mga taong nasa likod nito ay easy-rasy lang na walang ibang gagawin kundi kumumpas at ayos na.
Ang gobyernong ito partikular na ang bumubuo ng IATF ay para bang nagpa-pakita ng senyales na hindi sila para dito sa problemang ito na kinakaharap ng buong bansa.
Kung sa bagay ay mukhang hindi sila nararapat dahil karamihan ng bumubuo nito ay mga retiradong heneral sa halip na mga health expert, siyentipiko at mga taong may kinalaman sa kalusugan at medisina ang nasa kanilang lugar.
Ano nga naman ang kinalaman ng mga heneral na ito samantalang hindi naman giyera, terorismo at anumang banta sa seguridad ng bansa ang nakataya dito.
Di kaya panahon na upang bigyan naman ng pagkakataon ang iba nating kababayan na talagang may kaalaman sa kasalukuyang krisis nating kinakaharap.
PANGULONG DUTERTE, TALAGANG MAHILIG SA MGA RETIRADONG HENERAL SA KANYANG KABINETE…
Talaga yatang mahilig sa mga retiradong heneral si Pangulong Rodrigo Duterte na agad niyang itatalagang miyembro ng kanyang kabinete.
Base ito sa pagtatalaga niya kay dating PNP Chief na si Gen. Debold Sinas bilang USEC sa Office of the President.
‘Di kaila sa ating lahat na wala pang isang taon nang nagretiro itong si Sinas bilang PNP Chief ngunit ngayo’y isang miyembro ng muli ng kanyang kabinete.
‘Di natin malaman kung talagang mahilig o dili kaya ay kahinaan talaga ng ating mahal na Pangulo ang isang retiradong heneral.
Maliban kina Gen. Ano, Gen. Cimatu, Gen. Galvez at marami pang iba, nadagdag muli ang isa pang heneral sa katauhan ni Gen. Sinas.
Malamang sa 50 porsiyento ng kabinete ay binu-buo na ng mga retiradong heneral at militar, di po ba?
***
HAPPY HAPPY 65IH BIRTHDAY IN ADVANCE TO MY KUMPADRE MANNY BILARDO OF BARRIO ROXAS, TONDO, MANILA ON SATURDAY SEPTEMBER 26, 2021. WISHING YOU THE BEST OF HEALTH AND LUCK. MAY YOU HAVE MANY MANY MORE BIRTHDAYS TO COME, GOD BLESS AT MABUHAY KA !!!
The post Naguguluhan na mga tao sa mga patakarang pinapatupad ng gobyerno appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: