Facebook

Umaapaw na suporta!

NAG-UUMAPAW na ang suporta ng mga mamamayan sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP)!

Sa kasaysayan ng PNP, ngayon lang nagkabigkis-bigkis at naipakita ang pagsusulong ng sambayanan sa ipinatutupad na reporma ng kapulisan.

Saan man bumisita si PNP Director General, Guillermo T. Eleazar ay hindi mahulugang karayom ang mga taong bayan na sumasalubong sa kanya at nagpapahayag ng kanilang walang sawang suporta at tulong sa hanay ng pulisya.

Hukbo ng mga support group, government officials at mga pulitiko ang sumasalubong para lamang ipakita ang malaking pagpapahalaga kay Eleazar at sa liderato nito.

Sa pinakahuling pagbisita ng pinakamataas na pinuno ng Pambansang Kapulisan noong Miyerkules, September 8, 2021 sa Batangas ay nakita at nadama ni Eleazar kung paano at gaano kalaki ng pagpapahalaga sa kanya ng mga Batangueño.

Itinaon ng mga mamayan na bumubuo ng mga opisyales ng Batangas PPO Advocacy Groups and Force Multipliers sa pagdating ni Eleazar ang kanilang panunumpa ng katapatan at pakikiisa para sa pagsugpo ng anumang uri ng krimininalidad sa may apat na siyudad at tatlumpong munisipalidad sa lalawigan ng Batangas.

Sumaksi sa panunumpa kay Eleazar ng may 300 opisyales at miyembro ng naturang grupo sina P/Lt. General Ferdinand Divina, PMG Rhodel O. Sermonia, Region 4-A PNP Director PBG Eliseo DC Cruz at iba pang PNP PNP top brasses. Ang oath-taking ceremony na ginanap sa Camp General Miguel Malvar, Batangas City.

Isa si General Sermonia sa maugong ang pangalan na papalit kay Eleazar bilang PNP Chief sa pagreretiro ng huli na darating na Nobyembre.

Nasundan ang okasyon ng pag-iinspeksyon ni Eleazar sa mga pasilidad ng Batangas PPO na nasa ilalim ng pamununo ni P/Col. Glicerio Cansilao.

Lubhang nasiyahan naman si Eleazar sa nakitang pagtalima nina Col. Cansilao sa Cleanliness and Orderliness Program ng PNP.

Binisita din ni Eleazar ang opisina ng Batangas CIDG Provincial Office na dati nitong pinamunaun noong isa pa lamang siyang police major.

Nauna sa oath-taking ceremony ng Batangas Advocacy ang Force Multipliers ay nag-inspeksyon sina Eleazar sa himpilan ng Batangas City Police Office para alamin kung masusing sumusunod sina City Police Chief, LtCol. Gerry Laylo at mga kapulisan nito sa ipinatutupad na Cleanliness and Orderliness Drive ng PNP hierrarchy.

Nakipagdiyalogo din si Elerazar sa mga miyembro ng Sangguniang Panglalawigan na kinabibilangan nina Vice-Governor Mark Leviste, Board member Bart Blanco at Claudette Ambida.

Kasama nina Leviste, Blanco at Ambida ang mga opisyales at miyembro ng Batangas Mayors League na pinamumunuan ni San Jose Mayor Ben Patron.

Isa sa mainit na paksa ng mga government officials, pulitiko at mga mamamayan sa kanilang pagtatanong kay Eleazar ay kung handa itong tanggapin ang hamon na tumakbo sa mataas na posisyon, posibleng bilang senador pagkatapos na magretiro ito sa police service.

Katanungang wala pang malinaw na kasagutan ang mapagkumbabang heneral. Sa kabila ng mga espekulasyon sa magiging desisyon ni Eleazar, ay buong-buo na ang suporta sa heneral ng mga Batangueño.

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com

The post Umaapaw na suporta! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Umaapaw na suporta! Umaapaw na suporta! Reviewed by misfitgympal on Setyembre 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.