DAHIL sa walang humpay na anti-illegal drug efforts ng mga law enforcement agencies sa pangunguna ng National Capital Region Police Office sa ilalim ni Police Major General Vicente Danao, Jr., tagumpay ang buy bust operation nong September 9, 2021 dakong 9:27ng gabi sa Bacoor, Cavite.
Kasama din sa operasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency 4A, PDEA-Intelligence and Investigation Service, PNP PRO4A, Armed Forces of the Philppines- Task Force NOAH, Bureau of Customs at National Intelligence Coordinating Agency.
Ang nasabing operasyon ay may kaugnayan sa anti-drug operations sa Zambales kung saan apat na Chinese drug dealers ang nasawi sa armadong enkgwentro.
Nasawi din ang dalawang bodegero ng Chinese Drug Trafficking Group at taga-bantay ng warehouse o bodega kung saan nakalagak ang mga illegal drugs.
Ani Danao, napahinto ng inter-agency operatives ang paglilipat ng Chinese-labeled packs na nakatakdang ipakalat sa Southern part ng bansa.
Bukod sa kabuuang 181 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P1.2 billion na nakumpiska ay nakuha din sa mga suspek ang dalawang baril.
Halos kasabay nito ay nagkaroon din ng operasyon sa Barangay Magdalo, Imus, Cavite kung saan 48 kilos naman ng shabu ang nakumpiska.
Ayon kay Danao, maaring gamitin ng mga masasamang grupo ang naturang mga illegal drugs upang gastusan ang kanilang mga aktibidad na may kaugnayan sa 2022 elections.
Pinapurihan din ni Danao ang operating units para sa matagumpay na malaking kabawasan ng supply ng shabu sa bansa.
“We would like to congratulate all operatives, the PDEA, Task Force NOAH of the AFP, Bureau of Customs, Region 4A, NCRPO and all other units involved in this successful operation,” ani Danao.
Binalaan din nito ang mga sangkot sa illegal drugs: “I would like to give stern warning to everyone especially itong mga drug pushers. Well sabi nga sa inyo, our government will never stop, we will never cease in our campaign against all forms of criminality lalong lalo na sa illegal drugs, terrorism and illegal possession of firearms. Hindi po tayo titigil nyan. This will not be a No Let Up campaign against all forms of illegal drugs. And if you will fight it out with our law enforcement agencies, isa lang ang pupuntahan ninyo.”
Sana, maliwanag para sa mga gugustuhin pa ring masangkot sa iligal na droga.Walang sisihan. Heheh.
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.
The post NCRPO: P1.2 bilyong halaga ng shabu timbog sa Bacoor appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: