
Umapela sa mga kapwa government official gayundin sa mga kakandidato sa 2022 elections si Senator Christopher “Bong” Go na unahin ang kapakanan ng mga Filipino kaysa partisan political interests.
“Nalalapit na ang filing ng Certificate of Candidacy para sa halalan sa susunod na taon. Patungo muli tayo sa sagradong proseso sa ating demokratikong sistema kung saan pipili na naman ang taumbayan ng mga taong mamumuno at magsisilbi sa kanila,” saad ni Go sa kaniyang video message nitong September 29.
“Bilang isang mamamayang Pilipino at representante ninyo sa Senado, umaapela ako sa mga gustong tumakbo para sa susunod na halalan na palaging isaalang-alang ang interes at kapakanan ng ating mga kababayan,” dagdag pa nito.
Pinaalalahanan ni Go ang mga politician na ang pagseserbisyo sa bansa ay kailangan laging papabor sa people’s interests at general welfare, at hinde ang political ambitions.
“Sa pag-file ng COC, isipin dapat natin kung paano tayo makakatulong sa taumbayan na malampasan ang kasalukuyang pandemya at mga krisis na dulot nito o mga susunod pa,” hayag ni Go.
“Unahin natin ang ating tungkulin na magserbisyo at proteksyonan ang buhay ng ating kapwa bago ang ating pansariling interes,” aniya pa.
Hinikayat din ni Go ang mga public official na pagtuunan ang kanilang mandato at ang mano-manong paggawa kahit nalalapit pa ang election season.
“Para naman sa mga opisyal ngayon, dapat tandaan natin na mayroon po tayong trabahong dapat gampanan. Hindi dapat mawala ang ating focus sa ating tungkulin lalo na para maiahon sa hirap ang mga kababayan nating nangangailangan,” pagpapaalala ni Go.
“Anuman ang ating kulay pulitika, iisa lamang ang ating layunin na malampasan ang pandemya. Bakuna muna bago pulitika,” dagdag pa nito.
Inihayag ni Go na ang panahon ngayon ay pagtutulungan ng bawat isa at pakikibahagi sa bayanihan efforts kaysa magtalotalo o magsisihan. “Ito ang panahon ng pagtutulungan at bayanihan, hindi ng sisihan at siraan,” ayon kay Go.
Pinayuhan din nito ang sambayanan na huwag aksayahin ang pagkakataon ngayon para suriin kung sino ang gusto nilang mamuno sa bansa
“Sa mga kapwa ko Pilipino, ang halalan ang pinakamahalagang kapangyarihan na mayroon tayo. Pahalagahan at gamitin natin nang tama. After all, no less than our Constitution provides that ‘Sovereignty resides in the people and all government authority emanates from them’,” pagpupunto ni Go.
“Makiisa tayo upang maipaglaban ang kapakanan ng ating bayan at masigurong walang maiwan sa muling pagbangon ng ating bansa mula sa pandemyang ating hinaharap. Maraming salamat po,” pagtatapos ni Go.
The post BONG GO UMAPELA SA GOV’T OFFICIALS AT MGA KANDIDATO appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: