IKINAGALAK ni Senator Christopher “Bong” Go ang pag-apruba o paglalabas ni Pangulong Duterte ng karagdagang pondo na makatutulong para makakuha at magkaroon ang bansa ng sapat na healthcare workforce na reresponde sa COVID-19 pandemic.
Kamakailan lang, inaprubahan ni Pangulong Duterte ang paglalabas ng halagang P1.98 billion mula sa 2021 Contingent Fund. Ang nalalabing kailangan na P1.7 billion ay manggagaling naman sa available balance of allotments ng Department of Health.
Sa pamamagitan nito, patuloy nang makapagha-hire ng 20,839 Human Resources of Health (HRH) personnel para sa buwan ng Hulyo at December 31, 2021.
“Bilang Chair ng Senate Committee on Health, lagi kong pinapaalala sa ating mga kababayan na ang pinakamalaking bahagi ng bayanihan ay ang ating sariling pag-iingat at disiplina upang maiwasang bumagsak ang healthcare system,” ani Go.
“Ang ating kooperasyon ay tulong natin sa mga health workers na binubuwis ang kanilang buhay para makapagligtas ng buhay ng iba,”patuloy niya.
Batay sa Republic Act No. 11494 o Bayanihan to Recover as One Act, ang DOH ay dapat mag-hire ng HRH personnel, gaya ng medical at allied medical staff, sa ilalim ng emergency hiring program para mamantina ang kapasidad ng national healthcare system sa gitna ng krisis.
Sa nasabing pigura, umaabot sa 10,120 health workers ang na-hire sa ilalim ng emergency hiring program; 4,800 ang umaasiste sa vaccination drive; 3,487 ay mga disease surveillance officers; habang ang 2,432 ay nasa COVID-19 testing laboratories.
Kaugnay nito, suportado ni Go ang panukalang bigyan ng fixed na monthly Special Risk Allowance (SRA), kapwa ang public at private healthcare workers (HCWs) na pisikal na na naka-duty sa ospitals at health facilities.
Hiniling din ni Go concerned authorities na magbigay ng “certain level of flexibility” sa implementasyon ng mga probisyon sa Bayanihan to Recover As One Act para maging legal na basehan sa pagkakaloob ng SRA.
“Bigyan natin ng sapat na suporta ang medical frontliners. Bawat araw ay nasa panganib ang kanilang buhay. Siguraduhin nating mabibigyan ang lahat ng qualified healthcare workers ng Special Risk Allowance at iba pang insentibo o benepisyo na naaayon sa batas,” apela ni Go.
The post DAGDAG NA PONDO PARA SA DAGDAG NA HEALTH WORKERS, IKINAGALAK NI BONG GO appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: