Facebook

Dalawang pulis na ‘kamote riders’ kilala na

KILALA na ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang police motorcycle riders na nakuhanan ng video at naging viral sa social media dahil sa mga delikadong motorcycle stunts habang mabilis na tumatakbo sa national highway sa Zambales.

Ayon kay PNP Chief, General Guillermo Lorenzo T. Eleazar, lehitimong mga pulis ang dalawang motorcycle riders, na nakuhanan ng video ng isang netizen at nag-upload ng viral video, at nakatalaga sa Police Regional Office 3.

“Kahapon (Mierkoles) ay nagbigay tayo ng kautusan para tukuyin ang pagkakakilanlan ng dalawang riders na nagpasikat sa isang highway sa Zambales. Kaagad namang nakilala ang dalawang ito at nakumpirma namin na sila nga ay mga pulis,” ani Eleazar.

Kinilala ang mga ito na sina PCMS Israel Bondoc and PMS Manuel Tolentino,

Sabi ni Eleazar, inatasan na niya ang RD ng PRO3 na si General Val De Leon gayundin ang Highway Patrol Group (HPG) chief na si Gen Alexander Tagum, na magsagawa ng masusing imbestigasyon bilang bahagi ng disciplinary measures sa PNP.

Makikita ang dalawang pulis na gumagawa ng motorcycle stunts na tinawag na iresponsable ng mga netizen dahil sa tahasang paglabag nila sa batas trapiko at road safety.

Naging viral sa social media ang video kung saan ay naka-tagged pa ang social media account ni Eleazar.

Matapos mapanood ang video, agad iniutos ni Eleazar ang pagkakasa ng imbestigasyon at sinabing ang ginawa ng dalawang rider ay maaring maglagay sa iba pang motorista, commuter at pedestrian sa panganib.

Hangad ni Eleazar ang agarang resulta ng imbestigasyon at mapatawan ng karampatang parusa ang naturang dalawang pulis. (Jose Koi Laura)

The post Dalawang pulis na ‘kamote riders’ kilala na appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Dalawang pulis na ‘kamote riders’ kilala na Dalawang pulis na ‘kamote riders’ kilala na Reviewed by misfitgympal on Setyembre 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.