Facebook

Pasahero ng jeep naglundagan sa holdap, holdaper timbog nang agawin ang manibela sa driver

SUGATAN ang ilang pasahero ng jeep nang lumundag palabas ng sasakyan nang magdeklara ng hold-up ang isang lalaki sa Tondo, Maynila.

Ayon sa ulat, kita sa CCTV ang pagtalon ng mga pasahero kabilang ang isang babae na sa bintana pa dumaan.

Inagaw pa ng holdaper sa driver ng jeep ang manibela nang makuna na nito ang mahahalagang gamit ng mga biktima para tangkain na patakbuhin ang jeep.

Pero umatras ang jeep at bumangga kaya nasakote ang kawatan na kinilalang si Mark Anthony Yburan.

Ayon sa tulisan, nawalan siya ng trabaho kaya napilitan itong mangholdap para sa gamot ng kanyang anak.

Nabawi kay Yburan ang mga gamit na kinuha nito pati na ang patalim na kanyang ginamit sa panghoholdap.

Mahaharap sa kasong Robbery by Intimidation si Yburan.

The post Pasahero ng jeep naglundagan sa holdap, holdaper timbog nang agawin ang manibela sa driver appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pasahero ng jeep naglundagan sa holdap, holdaper timbog nang agawin ang manibela sa driver Pasahero ng jeep naglundagan sa holdap, holdaper timbog nang agawin ang manibela sa driver Reviewed by misfitgympal on Setyembre 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.