
HINDI na masisilayan ng kaniyang pamilya ang palangiting mukha ng isang batang lalaki sa Asingan, Pangasinan nang masawi ito sa tuklaw ng cobra na nakapasok sa kanilang bahay.
Kinilala ang biktima na si Leonard Beltran, 6 anyos, ng Barangay Carosucan Norte.
Kuwento ng ama ng bata, pagkatapos nilang mananghalian papatulugin na sana niya ang anak sa kama na malapit sa bintana.
Ngunit hindi nila alam na nakapuwesto pala sa bintana ang cobra at natuklaw ang biktima sa noo habang kalong ng ama ang anak.
Sampung minuto lang umano matapos ang pagtuklaw, binawian na ng buhay ang bata.
Ayon sa ama, hinawakan siya ng anak sa kaniyang mukha at nagsabi ng: “Papa, Papa.”
Napag-alaman na nag-iisang anak lang si Leonard, at nagtatrabaho sa abroad ang kani-yang ina.
Ngunit dahil sa pandemic, hindi na raw makakauwi pa ang ina para sana makita sa huling pagkakataon ang kaniyang anak.
The post Bata patay agad sa tuklaw ng cobra appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: