Facebook

Mag-ama patay, ina kritikal sa ambush

PATAY ang ma-ama at sugatan ang ina nang tambangan sa bahagi ng Rajah Buayan, Maguindanao.

Kinilala ang mga nasawi na sina Eskak Esmail Mamo, 38 anyos; anak na si Datu Abdullah Mamo, 5; habang sugatan ang ina na si Paiza Datua Mamo, 35, mga residente ng Sultan Sabarongis, Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Police provincial director Colonel Jibin Bongcayao, sakay ang mga biktima ng multicab para mamalengke nang pagsapit nila sa Barangay Gawnan, Rajah Buayan ay tinambangan ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan gamit ang kalibre .45 pistola at M16 armalite rifles.

Mabilis na tumakas ang mga salarin nang magresponde ang mga pulis, BPAT at mga sundalo.

Patay kaagad si Abdullah Mamo at dead on arrival sa pagamutan ang kanyang ama, habang ang ina ay nasa maselang kondisyon.

Sa ngayon, may mga person of interest nang sinusundan ang Rajah Buayan PNP sa pananambang.

The post Mag-ama patay, ina kritikal sa ambush appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mag-ama patay, ina kritikal sa ambush Mag-ama patay, ina kritikal sa ambush Reviewed by misfitgympal on Setyembre 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.