
SUMUKO ang dalawang lokal na opisyal ng pamahalaan na nauugnay sa pagpaslang sa isang konsehal noong 2019 sa Negros Occidental matapos ang anim na buwan na pagtatago.
Nang maibaba ang warrant of arrest nitong Pebrero, sumuko na si Vice Mayor Adrian Villaflor at Konsehal Jimmie Don Plaza nitong Miyerkoles (September 1) kay Vice Governor Jeffrey Ferrer.
Sa ulat, sina Villaflor at Plaza ay kapwa nahaharap sa kasong ‘Murder’ sa pagpatay kay Sangguniang Bayan member Jolomar Hilario noong 2019.
Sinabi ng dalawang opisyal, nais nila na sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) sila mapunta para sa kanilang kaligtasan.
Ayon kay NBI-Bacolod head Renoir Baldovino, nakakulong ang dalawang akusado sa NBI-Bacolod Office matapos sumuko ang mga ito nitong Miyerkules.
“For me, they made the right decision so they won’t be considered fugitives anymore. It would be up to the court to decide the charges against them based on evidence and witnesses,” pahayag ni Ferrer.
Sa pagsuko ng dalawa, anim na sa kabuuan ang hawak ng otoridad na mariing itinatanggi ang akusasyon habang isa pa ang patuloy na hinahanap.
The post VICE MAYOR, KONSEHAL SUMUKO SA KASONG ‘MURDER’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: