
MAS lalo pang bumaba ang COVID-19 reproduction number sa National Capital Region (NCR) nitong Huwebes, at ayon sa OCTA Research Group, posibleng umabot pa ito ng hanggang 1 na lamang sa ikatlong linggo ng buwang kasalukuyan.
Sa pinakahuling ulat ng OCTA, nabatid na hanggang nitong Setyembre 2 ang NCR reproduction number, o ang bilang ng taong maaaring ihawa ng isang pasyente ng COVID-19, ay nasa 1.39 kumpara sa 1.43 na naitala noong Agosto 31.
“Based on current trends, it is possible that the reproduction number in the NCR may decrease below 1 by the third week of September,” anito pa.
“Until then, we expect new cases to continue to increase, albeit at a slower growth rate,” dagdag pa nito.
Nabatid na ang NCR ay nakapagtala ng average na 4,637 bagong COVID-19 cases kada araw mula Agosto 26 hanggang Setyembre 1. Mas mataas ito ng 12% kumpara sa daily average ng naunang linggo.
Samantala, iniulat din ng OCTA na ang average daily attack rate sa NCR ay nasa 33.20 cases per 100,000 population na nasa critical level; ang positivity rate ay nasa 24%; hospital bed occupancy ay nasa 69% at ang ICU occupancy rate naman ay nasa 71%.
Nitong Miyerkules, iniulat ng Department of Health (DOH) na ang NCR ay nakapagtala ng 39,388 active cases ng COVID-19.
Sa kabilang dako, sinabi rin naman ng OCTA report na ang may pitong local government units (LGUs) na bumaba na sa single-digit ang growth rate.
Kabilang dito ang Muntinlupa (9%), Pasay (0%), Malabon (6%), Valenzuela (3%), Manila (0%), Caloocan (3%) at Quezon City (4%). (Andi Garcia)
The post Reproduction number ng COVID-19 sa NCR mas bumaba pa – OCTA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: