Facebook

EJ Obiena tatanggap ng P1.5-M reward sa PSC

HINIHINTAY na lamang ng Philippine Sports Commission (PSC) ang endorsement ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) para maibigay na ang reward para kay Ernest John (EJ) Obiena matapos nitong basagin ang tatlong record sa katatapos na 7th Golden Roof Challenge sa Innsbruck, Austria.

Kabilang sa mga nabasag nitong record ang kanyang personal na record, Philippine record at ang Asian record at naibulsa rin ang gold medal sa naturang torneyo.

Ayon kay PSC chairman William Ramirez, makakatanggap ng tumataginting na P1.5 million na reward ang Filipino Olympian pole vaulter na si RJ Obiena.

“We are still waiting for the PATAFA’s endorsement of documents regarding those international competitions and to be evaluated by the NSA affairs for board approval,” ani Ramirez.

Ito ang napagdesisyunan ng PSC habang hinihintay pa ang kumpirmasyon ng PATAFA mula sa World at Asian Athletics Federations na nabasag ng 25-year-old Obiena ang 23-year-old Asian mark.

Malinis na nalusutan ng Southeast Asian Games gold medalist ang 5.93 meters mula sa kanyang dating national record ng 5.91m na kanyang naitala sa Paris Diamond League noong nakaraang buwan.

Nalagpasan na nito ang Asian record na 5.93m ni Igor Poptapovich mula sa bansang Kazakhstan sa 1998 Paris World Indoor Championships sa Paris.

Una rito ibinigay na rin kay Obiena ang P250,000 matapos maitala ang national standard na 5.87m na kanyang record sa Poland noong Hunyo.

Noong nakaraang buwan lang nang nalusutan din nito ang 5.91m sa Paris meet.

The post EJ Obiena tatanggap ng P1.5-M reward sa PSC appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
EJ Obiena tatanggap ng P1.5-M reward sa PSC EJ Obiena tatanggap ng P1.5-M reward sa PSC Reviewed by misfitgympal on Setyembre 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.