Facebook

Ex-mayor sa Bulacan pumanaw sa Covid-19

BULACAN – Nasawi si dating Sta. Maria, Bulacan ex-Mayor Jesus “Ato” Mateo makaraan itong dapuan ng coronavirus disease-19 nitong umaga Lunes.

Ilang araw ring nakipaglaban si Mateo, 68 anyos, sa Covid-19.

Bukod sa pag-upong punongbayan ng Sta. Maria noong 2004-2007, naging Vice Mayor din siya noong 1996-1998 at matagal ding naging Punong Barangay sa Brgy. Caypombo na kanyang naiwang posisyon sa araw na ito.

Isang negosyante si Mateo at may-ari ito ng isang pabrika para sa pork at beef products.

The post Ex-mayor sa Bulacan pumanaw sa Covid-19 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ex-mayor sa Bulacan pumanaw sa Covid-19 Ex-mayor sa Bulacan pumanaw sa Covid-19 Reviewed by misfitgympal on Setyembre 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.