![](https://www.policefilestonite.net/wp-content/uploads/2020/07/PATAY-2.jpg)
PATAY ang dalawang rebelde sa engkwentro sa mga pulis at sundalo sa Irosin, Sorsogon nitong Linggo.
Ayon kay Police Brig. General Jonnel Estomo, Regional Director ng Bicol Police, bumuo ng composite team mula sa iba’t ibang units ng PNP at AFP sa Bicol para sa isang intelligence-driven na combat operation.
Nagtungo ang Joint Task Force Bicolandia sa boundary ng barangay Patag at Cawayan at nakasagupa nila ang nasa 40 rebelde. Umabot ng isang oras ang bakbakan. Patay ang dalawang rebelde kabilang ang isang wanted person na may 5 million peso reward pa. May dalawang iba pa na sumuko.
Nakumpiska rin sa grupo ang nasa anim na M16 rifles na may mga bala at iba pang dokumento ng grupo.
Ayon kay Estomo, ang grupo na nakasagupa nila ay nagtatago sa bundok ng Sorsogon at iba pang probinsya sa Bicol.
The post 2 rebelde todas sa barilan sa Sorsogon appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: