SIYAM na kabataan ang nahuli nang lumabag sa curfew na adik sa paglalaro ng computer games sa isang shop sa ParaƱaque City.
Ayon sa ulat, nasa edad 18 hanggang 22 ang nahuling 7 bagets at isang bebot.
Maging ang nagbabantay ng shop dawit din.
Sa report, naispatan ng mga rumurondang tanod nitong Linggo ng gabi ang mga kabataan na naglalaro sa isang computer shop sa Barangay San Dionisio.
Depensa ng mga kabataan, ang katiwala ng shop ang nag-aya sa kanila na maglaro ng crossfire.
Dahil dito tiniketan ng tig-P200 ang mga kabataang nahuli sa curfew.
The post 9 bagets adik sa computer games, pinagmulta appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
9 bagets adik sa computer games, pinagmulta
Reviewed by misfitgympal
on
Setyembre 06, 2021
Rating:
Walang komento: