Facebook

Presidential race ‘22:Lumilinaw na!

TWENTY THREE (23) days nalang filing na ng Certificate of Candidacy para sa 2022 national/local elections.

So far, ang tandem palang nina Senador Ping Lacson at Senate President Tito Sotto ang nagdeklarang tatakbong pangulo at pangalawang pangulo, ayon sa pagkakasunod.

Ang iba pang pumoporma na sina Vice President Leni Robredo, dating Senador Bongbong Marcos, Sen. Manny Pacquiao, Manila Mayor Isko Moreno at Davao City Ma-yor Sara Duterte-Carpio ay puros palipad-hangin palang.

Pero lumilinaw na sina Robredo at Marcos ay handa na sa pagdeklara anumang araw ngayong linggo.

Nitong Lunes ay sinabi ni Robredo na sarado siya sa pagtakbong senador, wala rin siyang plano sa lokal. Open siya sa pagtakbong pangulo. Aniya, ‘pag nagdeklara siya, ito’y wala nang atrasan kahit gaano pa kahirap, kahit pa lumabas sa mga survey na mahina siya tulad noong unang takbo niyang kongresista at bise presidente na mula sa isang porsiyente ay nanalo siya. Mismo!

Ang anunsiyong ito ni Robredo ay tatak ng isang mahusay at tapat na lingkod bayan.

Si Marcos naman ay nagsabing, base sa kanyang mga pag-iikot ay mga survey, mas malakas daw siya sa presidente kesa bise presidente.

Maging sa mga survey sa social media, malakas ang “Bongbong Marcos for Presidente”. Kaya… pakikinggan aniya ang boses ng mamamayan. Alam na!

Sabi ni BBM, iaanunsyo nya ang kanyang plano sa 2022 sa sunod na mga araw. Abangan natin…

Si Pacquiao naman, base sa kanyang mga pahayag, pinag-iisipan niyang mabuti ang pagtakbo sa highest position, bumalik sa Senado o magretiro na sa politika at magpukos uli sa boxing.

Target ng 42-anyos na Pacquiao na makabawi kay Yordenis Ugas, ang ‘di kilalang WBA Super welter champion na nagpahiya sa ating Pambansang Kamao.

Si Pacquiao ay kasalukuyang naka-quarantine, pagkagaling niya sa Estados Unidos last August 30. Two weeks ang quarantine niya sa isang hotel sa Pasay City. Iaanunsyo niya ang kanyang plano sa ‘22 pagkalabas sa quarantine at pakikipag-usap kay Robredo.

Si Isko, mas kilala sa tawag na Yorme, ay kitang kita sa kanyang mga galaw ang pag-level up sa politika. Dahil sa kanyang magagandang programa sa Maynila at mahusay na pagtugon sa pandemya sa Covid-19 ay isinusulong siya ng marami para sa pagka-pangulo sa darating na halalan. Kasalukuyan na siyang No. 2 or 3 sa mga survey.

Inaasahang mag-aanunsyo si Isko ng kanyang plano sa ‘22 bago matapos ang buwan, posible sa ikatlong linggo nitong Setyembre.

Si Sara, ang kasalukuyang nangunguna sa mga survey, ay urong-sulong sa kanyang mga pahayag. Pero sinabi niyang bukas siya sa pagtakbong pangulo. May nag-aplay na nga raw sa kanyang maging bise niya, sina Sen. Bong Go at Sen. Win Gatchalian.

Ang problema lang ni Sara ay posibleng magiging kalaban niya na ang mga dating kakampi na Marcos, Pacquiao, Isko, pati mga militante na tumulong ng malaki sa kanyang ama para maging pangulo noong 2016.

Problema rin ni Sara ang palpak na pagtugon sa pandemya ng administrasyon ng kanyang ama at pagkakabunyag ng grabeng korapsyon ngayon, dahilan ng pagbitaw ng mga dati nilang kaal-yado.

Kaya nagtatanong pa si Sara kay Pastor Quiboloy kung ‘Stop’ or ‘Go’ sa’22. Abangan!

The post Presidential race ‘22:Lumilinaw na! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Presidential race ‘22:Lumilinaw na! Presidential race ‘22:Lumilinaw na! Reviewed by misfitgympal on Setyembre 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.