Facebook

COVID-19 funds probe… YANG, ATBP. PINADADALO NI BONG GO SA SENADO

Pinadadalo ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga ipinatatawag na indibidwal sa pagsisiyasat ng Senate blue ribbon committee sa COVID-19 funding upang magpaliwanag kung wala talaga silang itinatago o kinatatakutan.

“Nananawagan (din) po ako sa lahat, dapat na lumabas na po sila to shed light, para maklaro po sa publiko. Lalung-lalo na po ‘yung mga kakilala ni Pangulong (Rodrigo) Duterte,” sabi ni Go sa isang panayam ng radyo.

Kabilang sa tinukoy ni Go si Michael Yang, dating adviser ni President Rodrigo Duterte at umano’y opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corp., isang kompanya na sinasabing nakakopo ng bilyon pisong kontrata para sa mga supply na ginamit laban sa pandemya,

“Hindi naman po dini-deny ni Pangulong Duterte na 1999 pa niya kakilala si Michael Yang. Pero hindi ibig sabihin kakilala na niya noong 1999 ay papayagan na po ni Pangulo na gumawa ng kalokohan,” sabi ni Go.

“In fact, noong pumunta ‘yan si Michael Yang ng Davao City noon, unang ginawang warning ni Pangulong Duterte sa kanya ‘pag pumasok ka sa droga dito kita ililibing. So ibig sabihin, hindi po papayag si Pangulong Duterte na mayroong kalokohan — na papasok sa kalokohan kahit na kaibigan, kahit na tumulong sa kanya. Hindi po siya papayag sa anumang kalokohan,” anang senador.

Itinanggi ng Malacañang ang mga alegasyong may iligal sa pagbili o overpricing sa medical supplies para sa COVID-19 pandemic, na kasalukuyang sinisiyasat ng Senado.

Ang nasabing anomalya ay nakalagay sa initial findings ng Commission on Audit ngunit nilinaw ng ahensiya na ang preliminary findings nito ay hindi nangangahulugang may nawawalang pondo bagkus ay ukol sa hindi lamang maayos na paggamit nito.

Matatandaang idiniin ni Go sa kanyang privilege speech na ang sinomang mapatutunayang gumagawa ng katiwalian ay dapat na maparusahan. Pero sinabi ng senador na dapat pa ring umiral ang due process.

“Ako po, sinabi ko na rin sa inyo sa aking privilege speech, parati kong sinasabi ‘pag may kalokohan ay kasuhan, panagutin. Pero bigyan po natin ng due process, ‘yung totoo lang po, ‘yung totoo lang po. Lalung-lalo na po sa mga taong nagtatrabaho naman ng matino.”

“Pero ‘pag napatunayang may kasalanan, kasuhan. Kaya tayo mayroong Ombudsman at mayroon tayong Sandiganbayan at kung napatunayan ay dapat pong ikulong,” ayon kay Go.

Idiniin din na dapat pagkatiwalaan ang judicial system sa bansa, tiniyak ni Go sa publiko na sila ni Pangulong Duterte ay hindi papayagan ang anomang katiwalian.

“Sana naman po magtiwala tayo sa ating judicial system. Kasuhan po kaagad ‘pag may kasalanan.”

“Hindi po kami papayag ni Pangulong Duterte, hindi po namin kinukunsinti kahit sino pa man po, kahit sino ka pa, kahit saan ka nanggaling, kahit taga-Davao ka pa. ‘Pag pumasok ka sa kalokohan, yari ka talaga,” paniniyak ni Go.

“Dapat nga po silang lumabas at magsalita rin po sa Blue Ribbon kung wala po silang kinakatakot,” patuloy niya.

Pinuna, gayunman, ni Go ang tayming ng pagsisiyasat sa Senado.

Aniya, noong inaprubahan ang Bayanihan 1 and 2 ay mayroong oversight function ang lehislatura kaya nagkaroon na ng monthly (and even weekly) reporting ‘yung paggamit po ng pondo mula sa Office of the President na isinusumite sa Senado.

“Hindi ba dapat nasilip na kaagad ito noong panahong ‘yon?.”

“Hindi ‘yung panahon ngayon na papunta na tayo sa election. Eh, lahat naman tayo interesado kung nagamit ba ‘yung Bayanihan 1 at 2 sa tama. Kaya nga po ni-require ang Office of the President na mag-report… kung papaano po nagamit ‘yung pondo,” ani Go.

The post COVID-19 funds probe… YANG, ATBP. PINADADALO NI BONG GO SA SENADO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
COVID-19 funds probe… YANG, ATBP. PINADADALO NI BONG GO SA SENADO COVID-19 funds probe… YANG, ATBP. PINADADALO NI BONG GO SA SENADO Reviewed by misfitgympal on Setyembre 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.