ISA sa talagang tinutukan ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar magmula ng italaga ito ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ay palakasin ang pamamaraan ng pakikipag-komunikasyon ng pamahalaan sa taong bayan.
Ang mga karagdagang pagbabago sa teknolohiya ay agad nitong ipinag-utos na maikasa sa lahat ng ahenisya o opisina na nasa ilalim ng PCOO upang makasabay sa makabagong pamamaraan ng komunikasyon at maibahagi sa taong bayan ang mga dapat nilang malaman ukol sa mga ginagawa ng kanilang pamahalaan.
Ito raw ang sinasaad ng kanilang kampanyang inilunsad bilang Duterte Legacy o pamana ng Pangulong Duterte, ang mapalapit sa publiko, upang maramdaman ang pagmamalasakit ng gobyerno sa mga mamamayan nito.
Umaasa ang kalihim na gagayahin ito ng mga susunod na administrasyon dahil isa ito sa mga responsibilidad ng sino mang namamahala – ang iulat o ireport ang nagagawa ng pamahalaan. Dahil isa rin ito sa mga responsibilidad ng mga maninirahan sa Malacañang sa loob ng anim na taon.
Kasama na dito ang pagpapalakas ng mga social platform ng Philippine Information Agency (PIA); Radio Television Malacañang (RTVM); Radyo Pilipinas; People’s Television Network (PTV-4); Philippine News Agency (PNA ) at ng Bureau of Communications Services.
Sa ngayon, iniulat na rin ni Secretary Andanar na ang mga ahensiyang nabanggit ay mayroon ng mahigit walong milyong (8 million) followers sa buong bansa. Ito raw ay mainam na paraan sa pagpapalakas ng pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa mga kababayang mga Filipino saan mang panig ng mundo. Hindi pa nga raw kasama diyan ang regional at provincial offices ng mga ahensiyang nasa ilalim ng kanyang opisina.
Ang ‘Integrated News Team’ na kanila rin naisip para pagsama-samahin ang lahat ng mga platforms ng pamahalaan ay para naman magkaroon ng iisang direksiyon ang tatatahkin ng mga ahensiyang nasa pakikipag-komunikasyon, nang sa ganun ay makarating sa taong bayan ang mga dapat nilang malaman tungkol sa kanilang pamahalaan.
Sa ganitong mga paraan nga naman di lamang makukuha ang mga tamang impormasyon na dapat malaman ni Juan, kung di ay kanya pa itong matitimbang kung talagang natupad na ang mga ipinangako sa kanya noong 2016 nang magkaroon ng halalan.
Ngayong may nalalapit na namang eleksiyon, gagamitin na naman ni Juan ang kanyang isipan kung sino ang nararapat manirahan sa Malacañang na sana ay ituloy pa ang mga sinimulan ng Administrasyong Duterte sa larangan ng pakikipag-komunikasyon. Mabuhay ka, Secretary Andanar!
The post Pinalakas na komunikasyon appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: