Facebook

Go, Gatchalian ang mga seryosong ‘VP’ ni Sara Duterte – Carpio

KUNG totoong naghahanda si Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio para sa kanyang pagtakbo bilang pangulo ng bansa sa halalang Mayo 2022, dalawang senador pa lang ang kumpirmadong seryosong gustong tumakbo bilang kanyang bise – presidente.

Ang dalawa ay sina Senador Christopher Lawrence “Bong” Go at Senador Sherwin Gatchalian.

Pokaragat na ‘yan!

Silang dalawa ay bagitong senador dahil isang termino pa lamang ang tinatapos nila.

Si Go ay nahalal noong 2019, samantalang si Gatchalian ay noong 2016.

Inamin kamakailan ni Go na nag-apply siya kay Sara na maging bise – presidente nito kung ituloy ng alkalde ang pagtakbo sa pagkapresidente.

Sa madaling salita, hindi niya babanggain at kakalabanin si Sara.

Idiniin ni Go na ang desisyon niya ay nakabatay sa pinal na pasya ng mga Duterte.

Kilalang beteranong alalay ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bong Go.

Si Go ang manok ng Partido Demokratiko Pilipino – Laban ng Bayan (PDP – Laban) at si Pangulong Duterte ang kanyang bise – presidente.

Sabi ni Go, hindi siya interesado sa pagkapangulo ng bansa.

Pokaragat na ‘yan!

Paulit-ulit niyang inihayag ito sa media.

Ngunit, napakalinaw ng konteksto ng kanyang desisyon na konektado ito sa pafgtakbo ng anak ng kanyang amo na si Pangulong Duterte.

Kung hindi lalahok sa pampanguluhang halalan si Sara, tatakbo si Go sa pagkapresidente.

Pokaragat na ‘yan!

Ang pagtakbo naman ni Gatchalian ay kinumpirma ng kampo ni Sara at ng naturang senador mismo.

Wala pang desisyon si Sara hinggil sa kanyang magiging bise – presidente.

Ang napabalitang pagtakbo ni dating Defense Secretary Gilbert Teodoro bilang pangalawang pangulo ni Sara ay pakana lamang ng mga pulitikong malapit sa dating pinuno ng Department of National Defense (DND) noong si Gloria Macapagal – Arroyo ang pangulo ng Pilipinas.

Walang naganap na “done deal”, taliwas sa pahayag noon ni dating Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr.

Ang lumabas sa ilang piling pahayagan na tatakbo si dating Senador Feradinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang pangalawang pangulo ni Mayor Sara Duterte – Carpio ay hindi rin totoo.

Ayon sa kampo ni Carpio, wala itong natatanggap na pahayag mula kay Marcos tungkol sa interes nitong maging bise – presidente ng alkalde.

Ayon kay Duterte, sa media lang niya nabalitaan ang tambalang Sara – Marcos.

Pokaragat na ‘yan!

The post Go, Gatchalian ang mga seryosong ‘VP’ ni Sara Duterte – Carpio appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Go, Gatchalian ang mga seryosong ‘VP’ ni Sara Duterte – Carpio Go, Gatchalian ang mga seryosong ‘VP’ ni Sara Duterte – Carpio Reviewed by misfitgympal on Setyembre 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.