MAINIT na pagbati ang ating personal na ipinaaabot sa programang ‘TARGET ON AIR’ ng ating kaibigan at batikang broadcaster na si Ginoong Rex Cayanong.
Sa ating propesyon dito sa media,ang pagdiriwang ng pitong taong anibersaryo ay maituturing milestone ng iyong broadcasting career.
Sadyang napakaraming kakumpitensiya at magagaling ng broadcaster ang tiyak mong makakaharap sa araw araw kung kaya’t masasabing malaking accomplishment na nga kung sa loob ng 7 years ay tinatangkilik ka ng iyong mga listeners.
Ipagdiriwang ngayong araw na ito,Martes, Setyembre 7, ang ika-pitong anibersaryo ng programang “TARGET ON AIR” ni KA REX CAYANONG.
Ang “Target on Air” ay isang public service program sa radyo na tumatalakay sa iba’t ibang isyung panlipunan, tumutulong sa mga nangangailangan, at pinupuntirya ang mga tiwali sa bayan.
Nagsimula ang programa ni Ka Rex sa DWAD (1098 AM) na pinatatakbo ng Crusaders Broadcasting System.
Kasabay ng paglago ng “Target on Air” sa himpapawid ay lumipat ito sa bago nitong tahanan, ang DZME 1530 ng Capitol Broadcasting Center.
“Ang ating programa sa radyo ay nagbibigay ng iba’t ibang pananaw at boses na kinakailangan upang matugunan ang mga hamon na hinaharap nating lahat ngayong panahon ng pandemya,” wika ni Cayanong, isang batikang broadcast journalist.
Kung dati ay sa ere lamang napapakinggan si Ka Rex, dahil sa pamamayagpag ng internet ay mapapanood na rin ang kanyang programang “Target on Air” sa social media platforms tulad ng Facebook at Youtube dahilan upang maabot nito ang mas malawak na mga tagapakinig.
“Layunin natin na maabot ang milyun-milyong mga kababayan natin sa buong mundo na walang access sa radyo o airwaves sa mga panahon ito dahil sa layo ng kanilang lokasyon,” dagdag pa ng beteranong mamamahayag.
Mabuhay ka kaibigang Ka Rex Cayanong! Mabuhay ang Target On Air!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post Happy 7th Anniversary Target on Air appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: