Facebook

San Sebastian Residences, pinasinayaan nina Isko at Honey

ISA na namang housing project ang pinasinayaan nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna nitong Lunes sa Quiapo, Manila

Ang dalawa ay nag-ground breaking sa may 20-palapag na San Sebastian Residences sa Plaza del Carmen, Bilibid Viejo Street harap ng San Sebastian Church at oukupa sa may 2,601 metro kwadradong lote.

Ayon sa alkalde, ang itatayong residential building ay magkakaroon ng health center, lobby, parking area, podium, roof deck, machine room, play area, function room, swimming pool, fitness center, pump room, storage room, rentable space, maintenance room, generators at iba pang amenities.

Inatasan ni Moreno si City Engineer Armand Andres na maglaan ng malaking espasyo para magsilbing lugar para sa mga outdoor activities.

Ayon kay Andres, ang nasabing residential building ay magkakaroon ng 243 residential units at apat na elevators para sa mga tenants.

Ito ay para sa mga nangungupahan sa lungsod at mga empleyado na kailangang magbayad ng maliit na halaga bilang upa buwan-buwan.

Ayon kay Moreno, ang San Sebastian Residences ay ang ika-anim na housing project na itinatayo ng pamahalaang lungsod.

Ang iba ay ang Binondominium, Tondominium 1 and 2, San Lazaro Residences at Pedro Gil Residences.

Ipinangako nina Moreno at Lacuna na pagkakalooban nila ng sariling tirahan ang matagal ng mga nangungupahan na matatawag nilang kanila.

Ang dalawa ay naranasan ding mangupahan kung saan si Moreno ay dating sa squatter nakatira bago pumalaot sa showbiz. (ANDI GARCIA)

The post San Sebastian Residences, pinasinayaan nina Isko at Honey appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
San Sebastian Residences, pinasinayaan nina Isko at Honey San Sebastian Residences, pinasinayaan nina Isko at Honey Reviewed by misfitgympal on Setyembre 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.