Sa patuloy na pagsusumigasig na mabigyan ng katulungan ang mga komunidad na naapektuhan ng kalamidad ay iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go ang kahalagahan sa paglikha ng higit na pagpapaigting sa fire prevention and safety awareness, para mabawasan ang pagkawala ng buhay mula sa sakunang dulot ng sunog.
Kamakailan, nagpahayag ng lubos na pakikisimpatiya sa may 108 pamilya na binubuo ng 216 indibiduwal, na nasunugan ng mga bahay kamakailan sa Mandaue City, Cebu, kung saan ang mga tauhan ni Go ay namahagi ng kaukulang mga tulong sa Subangdaku Elementary School Gym nitong September 7.
Sa pagpapairal ng safety and health protocols, ang mga nasunugan ay pinaggo-grupo sa mas maliliit na bilang nang bigyan ang mga ito ng grocery packs, meals, masks, face shields, at vitamins. Ang ilan naman ay nabigyan ng new pairs of shoes, bicycles, at computer tablets.
Samantala, ang mga kinatawan mula sa National Housing Authority ay inalam naman kung sino ang mapagkalalooban ng housing assistance mula sa kanilang Emergency Housing Assistance Program.
Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nagkaloob naman ng financial assistance sa mga affected families para matulungan ang mga itong makaahon mula sa sinapit sa naganap na sunog.
Livelihood opportunities at scholarship grants naman ang ipinagkaloob sa qualified individuals matapos ang on-site assessment na ginawa ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng Technical Education and Skills Development Authority.
“Napakasakit pong masunugan sapagkat ito yung pinag-ipunan ko noon, yung investment ko sa pagkakaroon ng bahay ay nawala sa isang iglap lang. Totally damaged po talaga yung nangyari sa bahay ko,” pahayag sa panayam kay Ronnie Andales, 38.
“Bilang isang guro, mahirap din mamuhay ngayong pandemya. Kaya taos puso po akong nagpapasalamat kay Senador Bong Go at sa ating mahal na Pangulong Duterte sa kanilang binigay na ayuda dahil napakalaking bagay po ito sa amin. Sa akin po, gagamitin ko itong ayuda bilang panimula sa paggawa ng bagong bahay,” pahayag pa ni Andales.
Sa pamamagitan ng video message ay inihayag ni Go sa mga benepisaryo na ang gobyerno ay nagsusumikap para sa improvement at efficiency ng Bureau of Fire Protection para sa pagtugon sa fire disasters.
Ang BFP Modernization Act, ay nilagdaan ni President Rodrigo Duterte nitong September 10 sa pagiging ganap na batas.
“Ako naman po, bilang inyong Senador, ay nag-file po ako sa Senado, ito pong Bureau of Fire Protection Modernization Program. Layunin ng bill na ito na i-modernize pa ang ating Bureau of Fire (Protection), magkarooon ng karagdagang kagamitan at karagdagang personnel para po makatulong kaagad sa inyo. And, of course, itong education (prevention) campaign,” paliwanag ni Go.
Bilang Chair of Senate Committee on Health and Demography ay umapela si Go sa mga pamilya na makipagpartisipa sa national vaccination program para sa proteksiyong kalusugan ng mga ito laban sa coronavirus.
“Habang dumarating na po ang mga bakuna, importante po rito i-deploy ang bakuna kaagad at walang masayang na panahon. Habulan po ito sa oras, mga kababayan ko,” saad ni Go.
“Magtulungan po tayo, mga kababayan ko. Importante po malampasan muna natin itong krisis na ating kinakaharap bilang nagkakaisang mamamayang Pilipino,” dagdag pa nito.
Hinikayat din ni Go ang publiko na makapagpapagamot ang mga ito sa Eversley Childs Sanitarium and General Hospital sa kanilang lungsod para mabigyan sila ng medical assistance programs mula sa Malasakit Center.
Ang Malasakit Center ay isang one-stop-shop na kinaroroonan ng DSWD, Department of Health, Philippine Charity Sweepstakes Office, at Philippine Health Insurance Corporation na mapupuntahan ng mga mahihirap na pasyente para mapababa ang kanilang medical expenses.
Bilang Vice Chair of Senate Committee on Finance ay sinuportajan ni Go ang mga inisyatibang magpapaunlad sa public service delivery and increase economic opportunities sa naturang lungsod at isinulong nito ang construction ng seven-storey building para sa Eversley Childs Sanitarium and General Hospital, at ang improvement ng road and drainage structures sa Mandaue.
Sinuportahan din nito ang iba pang projects sa naturang probinsiya tulad ng construction of multi-purpose buildings sa Barili, Cordova, Ginatilan, Pilar, Tabogon, at Talisay City; pagbili ng ambulance unit sa Madrilejos, Naga City; improvement ng flood mitigation structures sa Catmon at Tuburan, at maraming iba pa.
Pinapurihan ni Go ang mga local officials sa kanilang walang kapagurang pagseserbisyo sa mga constituents, lalo na sa panahon ng mga pagsubok. Ilan sa mga ito ay sina Representative Emmari “Lolypop” Dizon, Governor Gwendolyn Garcia, Vice Governor Jun Davide, Mayor Jonas Cortes, Vice Mayor Glen Bercede, at iba pa.
“Kami po ni Pangulong Duterte ay patuloy na magseserbisyo sa inyo. Dahil para sa amin po ang serbisyo sa tao ay serbisyo ‘yan sa Diyos. Maraming salamat rin po. Magtulungan lang po tayo.”
The post FIRE VICTIMS SA MANDAUE CITY INAYUDAHAN NI BONG GO appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: