Facebook

Gilas Womens dinurog ng Chinese Taipei

NAGWAKAS ang kampanya ng Gilas Pilpinas Women sa 2021 FIBA Women’s Asia Cup group phase ng walang panalo.

Nalasap ng national basketbal team ng bansa ang ikatlong pagkatalo sa kamay ng Chinese Taipei 93-52 sa laro na ginanap sa Amman, Jordan.

Nasayang ang ginawang 24 points, 14 rebounds, tatlong assists at dalawang steals ni Afril Bernardino.

Bumandera ang opensiba ng Chinese Taipei sa pagtatapos ng first half 45-30.

Hanggang sa pagpasok ng third quarter ay nagtuloy-tuloy ang pag-arangkada nila.
Magugunitang unang natalo ang Gilas Womens sa China 143-52 at sa Australia 120-56 sa Group B na mayroong kabuuang 0-3 bentahe.

Susunod na makakalaban ng Gilas Womens ang India para sa ikapitong puwesto.
Nasa huling puwesto kasi ang India sa Group B.

The post Gilas Womens dinurog ng Chinese Taipei appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Gilas Womens dinurog ng Chinese Taipei Gilas Womens dinurog ng Chinese Taipei Reviewed by misfitgympal on Setyembre 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.