PATAY ang isang karpintero habang sugatan ang dalawang kasamahan nito nang pagbabarilin ng riding-in-tandem, Sabado ng hapon sa Purok Namnama, Barangay Cuyapo, Tantangan, South Cotabato.
Kinilala ang napatay na si Datu Ain Alamada, 44 anyos, may asawa, karpintero, ng Purok Maharlika, Barangay Poblacion, Tantangan.
Sugatan naman sina Baila A. Mangabpil at Binabai Akil Saladang, kapwa residente ng Purok Maharlika, Barangay Poblacion.
Sa imbestigasyon ng Tantangan PNP, minamaneho ni Alamada ang topdown nito mula Tantangan papuntang Tacurong sakay ang dalawang kasama nang pagbabaril ng riding in tandem at nag-resulta ng agarang pagkamatay ni Alamada.
Dinala naman sa ospital ang dalawang sugatan sa insidente.
The post Karpintero patay, 2 sugatan sa ambush appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: