Facebook

May-ari ng jewelry shop tinodas ng ‘kostumer’

PATAY ang 50-anyos na babae na may-ari ng jewelry shop nang barilin ng “kostumer” sa Barangay Sampaloc, Talisay, Batangas.

Kinilala ang biktima na si Victoria Balba.

Nabatid na nagpanggap na customer ang lalaking salarin.

Agad na binaril ng salarin si Balba sa ulo dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Tinatayang nasa edad 50 hanggang 55-anyos ang salarin at nakasuot ng puting T-shirt at maong pants.

Tumakas ang salarin sakay ng motorsiklo na walang plaka.

Ayon sa mga pulis, walang kinuha ang salarin sa biktima.

The post May-ari ng jewelry shop tinodas ng ‘kostumer’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
May-ari ng jewelry shop tinodas ng ‘kostumer’ May-ari ng jewelry shop tinodas ng ‘kostumer’ Reviewed by misfitgympal on Setyembre 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.