Facebook

Bgy. kagawad, 2 pang couriers ng NPA ng mga bala at granada arestado

TATLONG couriers ng New People Army (NPA) kabilang ang isang barangay kagawad ang inaresto ng mga otoridad nang makuhanan ng bala at rifle grenade sa isang checkpoint sa Butuan City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Rolando Aque Dagium, 34 anyos, ng P4 San Roque, Sibagat, ADS; Ferdinand Aque Dagium, 27, kagawad ng Barangay P4 San Roque; at Marvin Pepito Merencillo, 26, ng P1 Brgy. Mt Ararat, Bayugan

Ayon kay Major Francosco Garello, spokesman ng 4th Infantry Division, nasabat ang tatlong suspek ng pinagsanib na mga elemento ng 65th Infantry Battation at Butuan Police sa isang checkpoint sa Brgy. Pianing, Butuan City, Agusan del Norte.

Sakay ang mga suspek sa tatlong motorcycle nang sitahin ng mga otoridad na nagsasagawa ng checkpoint at nakuha sa mga ito ang 4,800 piraso ng 7.62 na bala ng AK 47 at 2 rifle grenades. Kinumpiska rin ang kanilang mga motorsiklo.

Pinaniniwalaan ang tatlo na mga courier ng RSDG- NERRC na nag-o-operate sa lalawigan ng Agusan. (Mark Obleada)

The post Bgy. kagawad, 2 pang couriers ng NPA ng mga bala at granada arestado appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bgy. kagawad, 2 pang couriers ng NPA ng mga bala at granada arestado Bgy. kagawad, 2 pang couriers ng NPA ng mga bala at granada arestado Reviewed by misfitgympal on Setyembre 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.