NANAWAGAN ng grupo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa Department of Agrarian Reform (DAR) na dapat gamitin ang panukalang budget ng DAR na P12.838-bilyong 2022 budget sa pagsisilbi sa interes ng mga Filipino farmer para mapaunlad ang kabuhayan ng mga magsasaka.
Sinabi ni KMP Chairperson Danilo Ramos hindi umano dapat gamitin ng DAR ang pondo na P12 Bilyon para sa counter-insurgency program katulad ng paglalaan umano nito sa pondo nito na P400 Milyon para sa pagsikil sa karapatang pantao ng mga magsasaka.
Nabatid sa telephone interbyu sinabi ni Ramos na ang programa ni DAR Secretary John Castriciones na “The DAR-to-Door” program ay “peke” at isang uri ng maagang pangangampanya (early campaigning) na pinondohan umano ng pera ng taong bayan na dapat ay nakalaan sa para sa mga magsasaka.
“Yung panukalang budget ng DAR na P12 Bilyon para sa 2022 dapat magsilbi sa interes ng Filipino farmers at hindi sa interes ng kung anino man” ayon pa kay Ramos.
Sinabi pa ng lider ng magsasaka na dapat umanong resolbahin ang root ng landlessness at hindi yung sa balangkas ng CARP at pinagtibay ng CARP na hindi naman umano solusyon sa deka dekadang problema ng magsasakang Filipino.
“Dapat ipatupad ang genuine agrarian reform bill at isabatas ito” ani pa ni Ramos.
Kaugnay nito sinabi pa ni Ramos na gusto pa umanong ituloy ng DAR ang CARP na after 33 years pinatunayan na ito na hindi para sa mga magsasaka diin pa nito.
“Hindi rin dapat gamitin ang pondo ng DAR para sa maagang pangangampanya ni DAR Sec. Castriciones para isulong ang kanyang interes sa pagtakbo sa 2022 pagdidiin pa ni Ramos.
Kaugnay nito sinikap naman ng sumulat na makuha ang panig ng Department of Agrarian Reform (DAR) at ni DAR Secretary John Castriciones subalit hindi sumasagot sa text message at sa private message (PM) at sa tawag sa telepono ang mga opisyal ng Public Assistance and Media Relations Service (PAMRS) ng DAR para kuhanan ng panig hinggil komento sa pahayag ng KMP.(Boy Celario)
The post Budget ng DAR dapat gamitin sa interes ng magsasaka – KMP appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: