MAPALAD na nakaligtas sa karet ni Kamatayan ang isang konsehal nang mabangga at kamuntikang magulungan ng fuel tanker sa Talisay, Cebu nitong Sabado.
Kinilala ang biktima na si Socrates Fernandez, konsehal at ex-mayor ng Talisay, Cebu
Sa ulat, mapapanood sa video ng City of Talisay Traffic Operations and Development Authority na nasagi ng fuel tanker ang motorsiklong sinasakyan ni Fernandez.
Bumagsak ang motorsiklo ni Fernandez, pero bago pa magulungan ang kaniyang ulo, saktong napaupo ito.
Ayon sa driver ng truck na si Andrelle Billones, sinubukan niyang iwasan ang motor pero nasagi pa rin niya ito.
The post Konsehal/ex-mayor nakaligtas sa gulong ng fuel tanker appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Konsehal/ex-mayor nakaligtas sa gulong ng fuel tanker
Reviewed by misfitgympal
on
Setyembre 05, 2021
Rating:
Walang komento: