NAGSIMULA na ang imbestigasyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa reklamo ng libong benepisyaryo ng TUPAD program ng DOLE sa umano’y “ginupit” na ayuda sa mga benepisyaryo ng naturang programa ng pamahalaan sa Bgry. Holy Spirit, Quezon City.
Nabatid na nitong umaga ng September 6, (Lunes) nagsimula nang kuhanan ng affidavit ng DOLE ang may 50 benepisyaryo ng programa ng TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) sa cover court ng Brgy. Hall ng Barangay Holy Spirit na kulang ang mga natanggap na ayuda.
Sinabi ni Atty. John Malinao Legal department ng DOLE sa kasalukuyan ang paunang hakbang na isinasagawa ng ahensya ay ang pagsasagawa ng fact findings at pagkuha ng pahayag sa mga indibidwal na naging benepisaryo ng TUPAD subalit hindi na nito idinetalye pa ang kanilang isasagawang imbestigasyon.
Kaugnay nito ayon sa pahayag ni Noel Abecendario isa sa benepisyaryo ng TUPAD nitong 2015 ng ipatupad ang Tupad sa kanilang barangay ang dapat na matanggap nya ay P14, 000 subali’t P1,000 lamang umano ang ibinigay sa kanya ng coordinator ni Rep. Winnie Castello na noo’y kongresista pa ng Second District ng Quezon City.
“Labag sa kalooban namin ang nangyari pero wala kaming magawa” ayon pa kay Abecendario.
Ganito rin ang naging pahayag ni Aminodin T. Morrow isa sa empleyado ng barangay at sinabing P2,000 lamang ang ibinigay sa kanya ng coordinator ni Rep. Precious Castello sa programa ng Tupad ngayong 2021 na dapat sana’y P7,500.
Samantala, kaugnay nito bunga ng naturang anomalya nalalagay ngayong sa balag ng alanganin si QC 2nd District Congresswoman Precious Hipolito-Castelo nang magreklamo ang libong benepisyaryo ng TUPAD program ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Barangay Holy Spirit, na kulang ang natanggap nilang ayuda.
Itinanggi naman ni Brgy. Capt. Felicito Valmocina ng Brgy. Holy Spirit na may kinalaman ang Brgy. Holy Spirit sa naturang anomalya at sinabing wala umanong silang kinalaman sa naganap na kontrobersya na nadiskubre simula pa noong 2015 hanggang 2021.
Sinabi pa ni Valmocina na aabot sa halagang P100 Milyon ang halagang pinag-uusapan sa naturang anomalya sa programa na ipinatupad ng Tupad mula sa mga ginupit na ayuda para sa mga benepisaryo ayon pa sa naturang kapitan.(Boy Celario)
The post Anomalya sa ‘ginupit’ na Tupad, iniimbestigahan na appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: