Facebook

MGA TRABAHADOR SA BUUG, ZAMBOANGA SIBUGAY TINULUNGAN NI BONG GO

Hinikayat ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga kinauukulang awtoridad na toyakin ang kalusugan, seguridad sa kapakanan ng mga manggagawang Filipino sa pagpapairal ng health and safety measures, pagpapalawak ng contact tracing at pagpapaigting sa mga pagbabakuna.

Binigyang diin ni Go na para makabawing ganap ang ekonomiya, ang komunidad ay kailangang maprotektahan mula sa banta ng COVID-19 lalo na sa mga respective workplaces of economic frontliners.

Sa video message ni Go sa.aktibidad ng Buug, Zamboanga Sibugay ay ipinunto nito ang kahalagahan ng mask-wearing, physical distancing at iba pang health guidelines para maiwasan ang mas nakahahawang coronavirus variants sa ating bansa.

“Mga kababayan, alam kong mahirap ang panahon ngayon at nasa gitna tayo ng pandemya. Magtulungan tayo at malalampasan rin natin ito. Kailangan ng gobyerno ang disiplina at kooperasyon ng bawat Pilipino dito sa laban kontra COVID-19,” pahayag ni Go.

“Kaya sumunod tayo sa mga awtoridad. Kung hindi naman kailangan, ‘wag munang lumabas ng pamamahay. Tandaan natin na habang nandiyan ang COVID-19 ay delikado pa ang panahon,” pagpapatuloy pa nito.

Sa banta ng highly contagious Delta variant ng COVID-19, ipinunto ni Go ang kahalagahang ginagampanan ng covid tracers para sa maagang paghahanda sa pagharap sa pandemya.

“Marami po sa ating mga kababayan ang gustong tumulong. Pwede silang maging contact tracers kung bibigyan sila ng karampatang training at kompensasyon bilang kabuhayan na rin sa mga nawalan ng trabaho,” saad ni Go.

Tinawagan din ng pansin ni Go ang mga local government leader para sa epektibong paglulunsad ng agarang pagbabakuna sa mga residente kapag naihatid na sa kanilang bayan ang mga vaccine.

“Ang bakuna ang susi o solusyon para unti-unti na tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay, upang maging masaya ang ating Pasko ngayong taon. Kaya pakiusap lang namin ni Pangulong Duterte sa inyo, magtiwala kayo sa bakuna, huwag kayong matakot sa bakuna,” pahayag ni Go.

Samantala, ang mga staff ni Go ay namahagi ng meals, vitamins, masks at face shields sa 2,500 workers sa Buug National Pilot School noong August 26. Ang mga worker ay binubuo ng vendors, habal-habal drivers at members ng local Tricycle Operators and Drivers’ Association.

Nakatanggap.naman ang ilang piling benipesaryo ng new pairs of shoes at ang iba naman.ay bisekleta para sa kanilang basic services. Ang ilang workers ay nabigyan ng computer tablets na magagamit ng kanilang mga nagsisipag-aral na mga anak.

Sa hiwalay na pamamahagi, ang Department of Social Welfare and Development ay nagkaloob sa bawat worker ng financial assistance. Ang Department of Health ay naglunsad naman ng medical check-ups at namigay ng masks samantalang ang Department of Agriculture ay namigay ng vegetable seeds.

Ang Department of Labor and Employment, Department of Trade and Industry, at Technical Education and Skills Development Authority ay nangakong palalawigin ang kanilang tulong base sa kanilang existing assistance programs.

Sa banta ng COVID-19 sa malubhang sakit at sa mga elderly ay ini-offer ni Go sa mga worker ang tulong pang-medikal. Inimpormahan nito ang mga worker na makapag-aavail ng medical assistance mula sa gobyerno sa pamamagitan ng nearest Malasakit Centers.

Sa kasalukuyan ay may 137 Malasakit Centers nationwide na inakdaan ni Go ang Malasakit Centers Act sa Senado na naisabatas noong 2019.

Nagpahayag si Go ng pagkilala kina 1st District Representative Wilter Palma II; Governor Wilter Palma; Vice Governor Rey Oligario; at Board Members Jonathan Yambao, Marie Palma, Allan Escamillan, Jessie Lagas at Cresencio Jore sa kanilang leadership.

Pinasalamatan din nito sina Mayor Dionesia Lagas; Vice Mayor Jonam Lagas; Councilors Marvin Gako, Abdul Dimasagka, Sonia Emorecha, Freida Curiba, Roger Lu Sr., Julio Alcantara at si Francis Gumansing; Association of Barangay Captains President Romeo Cerbo; Indigenous People Mandatory Representative Jocelyn Chua; at Sangguniang Kabataan Federation President Ferdinand Pablo.

Bilang Vice Chair of the Senate Committee on Finance ay sinuportahan ni Go ang various infrastructure initiatives para sa economic growth and development across the province. Tinulungan nitong maisulong ang concreting ng local roads mula sa Barangay Labrador hanggang Poblacion, Brgy. Labrador hanggang Talamimi at Brgy. Poblacion patungong Brgy. Pamintayan; at construction ng multi-purpose buildings para sa local bus terminal at public market sa Buug.

Nagsagawa rin ng gayong ng aktibidad ang grupo ni Go sa Titay, Mabuhay, Alicia, Diplahan at Siay mula noong August 16 hanggang 25. Lahat ng aktibidades ay inilunsad alinsunod sa ipinaiiral na safety protocold laban sa COVID-19.

The post MGA TRABAHADOR SA BUUG, ZAMBOANGA SIBUGAY TINULUNGAN NI BONG GO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MGA TRABAHADOR SA BUUG, ZAMBOANGA SIBUGAY TINULUNGAN NI BONG GO MGA TRABAHADOR SA BUUG, ZAMBOANGA SIBUGAY TINULUNGAN NI BONG GO Reviewed by misfitgympal on Setyembre 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.