Facebook

Negosyo ang Clean Air Act!

SA larangan ng pagkakakuwartahan ay ang sektor ng ENTRENPRENEURS ang pinakamataktika sa paghagilap ng mga makakakutsabang GOVERNMENT OFFICIALS tulad sa hanay ng transportasyon na isinangkalan ang CLEAN AIR ACT para sa mabilisang pagyaman ng mga ito.

Hinde lang ang CLEAN AIR ACT o ang REPUBLIC ACT 8749 ang ipinambala sa pagnenegosyo kundi lumikha pa ng LAND TRANSPORTATION AND TRAFFIC CODE o ang REPUBLIC ACT 4136 na ang layun nito ay ang ROADWORTHINESS.., pero paimbabaw lang ang kampanya dahil ang pinapaboran ng mga nilikhang batas ay ang mga negosyante at ng mga wais na ilang opisyal sa ahensiya ng transportasyon.

Sa naturang nalikhang 2 batas ay nagawa naman ng DEPARTMENT OF TRANSPORTATION (DOTr) para sa pagsasapribado ng mga mangangasiwa sa ROADWORTHINESS INSPECTION at EMMISSION TESTING.., kaya nagkaroon ng PRIVATE MOTOR VEHICLE INSPECTION CENTERS.

Pero, bago ka makapagpatayo ng PMVIC ay gumana na ang “PADULAS” system na ang INVESTOR APPLICANTS ay nagpapakawala mula P5 milyon hanggang P10 milyon para makapagpatayo ng PMVIC na ang puhunan para makapag-operate ay P50 milyon.., kaya, ang puhunan ay binabawi at ipinapasan sa mga motorista.

Bukod diyan, ang mga car dealer ay nakipagkutsabahan na rin sa mga PMVIC na ang mga motoristang kanilang tetestingin ay sa kontak nilang car dealer lamang bibili ng piyesa para masertipikahan ang kanilang pagpapatesting.

Bunsod nito ay dumagsa ang reklamo ng mga motorista dahil sa taas ng mga bayarin na ultimong brand new car kapag tinesting ay may lalabas na diperensiya.., kaya naman binakbakan ni SENATOR GRACE POE ang sistemang ipinairal ng DOTr at ng LAND TRANSPORTATION OFFICE (LTO).

Sa isyung ito ay agad inatasan ni DOTr SECRETARY ART TUGADE ang LTO na ipatigil ang implementasyon ng mandatory PMVIC.., na ipinagngingitngit ngayon ng mga INVESTOR dahil natigil ang kanilang operasyom gayong milyones ang kanilang naipuhunan kasama na ang ‘PADULAS’ para magkaroon sila ng permit to operate.

Naalala ko ang minsang pag-uusap namin ni dating QUEZON CITY COUNCILOR at FOUNDER ng LAWYERS FOR COMMUTERS SAFETY.AND PROTECTION (LCSP) na si ATTY. ARIEL INTON.., na sinabi nitong kailangan aniya ang bagong batas para masolusyunan ang isyu patungkol sa PMVIC.

Sang-ayon ako sa tinuran ni ATTY. INTON na kailangan ang bagong batas at dapat ay maalis ang direktang koneksiyon ng PMVIC OPERATORS sa mga CAR DEALER.., pero, sino-sino kaya ang mga opisyal na nagtamasa sa “GREASE MONEY” para sa pagiging PMVIC OPERATORS at ano-anong mga CAR DEALER ang nakipagsosyohan? Tatalakayin ito ng ARYA sa mga susunod na isyu.

***

TARGET ON AIR NI KA REX CAYANONG BINATI NINA PRES. DUTERTE AT VP LENI

Ngayong araw (September 7), ang programa ng kaibigan ko na si KA REX CAYANONG na “TARGET ON AIR” ay binabati ng ARYA sa kaniyang ika-7 anibersaryong pagsasahimpapawid sa radyo at sa social media.

Kahapon ay inulan ng kaliwa’t kanang pagbati ng iba’t ibang mga opisyal, Senador at mga Kongresista at sa pangunguna ni PRESIDENT RODRIGO DUTERTE AT VICE ORESIDENT LENI ROBREDO ang anibersaryo ng programa ni KA REX

Ang “TARGET ON AIR” ay isang public service program sa radyo na tumatalakay sa iba’t ibang isyung panlipunan, tumutulong sa mga nangangailangan, at pinupuntirya ang mga tiwali sa bayan.., na, nagsimula ang programa nitong si KA REX sa DWAD (1098 AM) na pinatatakbo ng Crusaders Broadcasting System.

Kung dati ay sa ere lamang napapakinggan si KA REX, dahil sa pamamayagpag ng internet ay mapapanood na rin ang kanyang programa sa social media platforms tulad ng Facebook at Youtube dahilan upang maabot nito ang mas malawak na mga tagapakinig. Kasabay sa paglago ng kaniyang programa sa himpapawid ay lumipat ito sa bago niyang tahanan na DZME 1530 ng Capitol Broadcasting Center.

“Ang ating programa sa radyo ay nagbibigay ng iba’t ibang pananaw at boses na kinakailangan upang matugunan ang mga hamon na hinaharap nating lahat ngayong panahon ng pandemya,” pahayag ng batikang broadcast journalist.

Sa kaibigan kong si REX CAYANONG.., HAPPY 7th ANNIVERSARY sa iyong programa…, MABUHAY KA!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post Negosyo ang Clean Air Act! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Negosyo ang Clean Air Act! Negosyo ang Clean Air Act! Reviewed by misfitgympal on Setyembre 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.