Facebook

Lechon house na-scam ng ‘kagawad’

KIDAPAWAN CITY – Muli na namang umatake ang mga manloloko nang mabiktima nito ang isang lechon house at isang bakeshoppe sa Kidapawan City nitong Sabado

Sa ulat, tumawag sa isang lechon house ang isang nagpakilalang Nardo Cabildo na umano’y barangay kagawad ng Barangay Libertad sa bayan ng Makilala.

Umorder ito ng lechon sa La Mila’s Lechon na 35 kilos at nagkakahalaga ng P8,000.

Pinamamadali pa umano ng kagawad ang pagluto ng lechon.

Bukod sa lechon, umorder pa ng inumin ang kagawad kaya dito na nagtaka ang isa sa mga may-ari ng lechon house.

Nang maluto ang lechon at kinontak na ang nagpakilalang kagawad, hindi na ito matawagan.

Nanlumo ang lechon house dahil naluko sila. Kinumpirma rin nila sa barangay na walang Kagawad Cabildo sa naturang barangay.

The post Lechon house na-scam ng ‘kagawad’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lechon house na-scam ng ‘kagawad’ Lechon house na-scam ng ‘kagawad’ Reviewed by misfitgympal on Setyembre 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.