Facebook

Chef na wanted sa Rape, timbog

ARESTADO ang isang chef na may kinakaharap na kasong ‘Statutory Rape’ sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang akusado na si Dennis Gajo, 48 anyos, chef, at residente ng 37-C Magsaysay St., Barangay 107, Tondo, tinuturing na Top 7 most wanted sa station level (MPD-PS1).

Inaaresto si Gajo sa kahabaan ng Quezon corner Dalandan St., Brgy 120, Tondo ng mga tauhan ng MPD-Station 1.
Si Gajo ay mayroong ‘warrant of arrest’ mula sa sala ni Judge Jose Lorenzo Dela Rosa, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 4, Manila City .

Samantala, naaresto rin sa hiwalay na operasyon ang isang miyembro ng Pereña Crime Group at number 11 most wanted person sa Tondo.

Kinilala ang akusado na si Alexis Alvarez, 26, ng Blk 17, Old Site, Baseco Compound, Port Area, Manila.

Ang mga naarestong akusado ay pansamantalang nakadetine sa police station ng kani-kanilang hurisdiksyon. (Jocelyn Domenden)

The post Chef na wanted sa Rape, timbog appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Chef na wanted sa Rape, timbog Chef na wanted sa Rape, timbog Reviewed by misfitgympal on Setyembre 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.